Showbiz News

Alden Richards, naka-relate sa mga kuwentong tampok sa 'Lockdown: Food Diaries'

By Racquel Quieta

Ngayong Linggo mapapanood na ang special food documentary ng GMA News and Public Affairs na pinamagatang Lockdown: Food Diaries, hosted by Alden Richards.

Si Alden Richards sa Lockdown: Food Diaries

Sa isang surprise video call ni Alden sa kanyang fans nitong Biyernes, ibinahagi niya ang naging karanasan at mga natutunan sa paggawa ng nasabing dokumentaryo.

“It's a peek into the food industry and how the pandemic affected us, especially po yung mga restaurant owners and businesses that are into food service.”

“Noong ginawa ko po yung Lockdown: Food Diaries, nasaktan po ako. Nasaktan po ako doon sa mga nabasa kong stories when I did the voiceover for the docu… na 20 years in the business na restaurant, all of a sudden nagsara lahat, without any promise kung babalik man sila.

“It's so unfair. Yung iba bagong bukas lang tapos after a few months nagsara rin, selling lahat ng gamit sa restaurant na 'yon.

“So, nakakalungkot po kasi alam naman nating apektado tayong lahat.”

Nagkuwento rin si Alden kung paano siya personally naapektuhan ng pandemya bilang isang restaurant owner.

“Actually, we have adjusted quite a lot already, since ayaw ko rin po magtanggal ng employees--pandemic na nga, tatanggalin mo pa sila.”

Ayon kay Alden, imbes na magbawas sila ng tao, minabuti nilang gawing rotational basis muna ang kanilang mga empleyado, alinsunod na rin sa panukala ng gobyerno na minimal workforce muna ang gamitin ng mga dine-in restaurants, upang masigurong may physical distancing sa establishment.

Dagdag pa ni Alden, “We also ventured into delivery. Honestly, yung restaurant po kasi yung nagsa-struggle sa akin ngayon eh, yung restaurants ko po, especially yung the one that's here in Quezon City.

“Kasi medyo mataas po yung kaso ng COVID-19 sa Quezon City, so despite na GCQ tayo, people are still scared to go out of their homes, and they prefer delivery.

“The thing about delivery is, yung food po namin kapag hindi siya kinain right out of the kitchen after its cooked, iba yung lasa. So, mahirap. Mahirap po talaga especially sa mga restaurant owners, mga dine-in restaurants. Kami po talaga yung nagsa-struggle sa mga food businesses ngayon.”

Ngunit ayon kay Alden, kahit na nakakalungkot ang mga pagyayari sa food industry ngayon, mayroon pa rin namang mga nakaka-inspire na istoryang tampok sa Lockdown: Food Diaries na tiyak na magbibigay ng pag-asa sa marami.

“There's still hope. After you watch the docu -parang ako rin personally, kahit ako yung nag-host nun--to sum up the experience, (you'll realize) there's still hope after this and kailangan lang natin kumapit.”

Sinabi rin ni Alden na na-enjoy niya ang pagho-host ng documentary at marami siyang natutunan na nais niyang ibahagi sa Kapuso viewers.

“After doing Lockdown: Food Diaries, kinausap ko po yung isa sa mga bosses ng GMA News management na sana bigyan ako ng maraming chance to do projects like that.

“Kasi when you do a documentary, you tackle real-life issues in the current times, and sobrang layo nun sa acting. Kasi what you're dealing with are real situations, real people, real emotions and ang sarap niyang ma-experience first-hand eh.

“Isa to sa mga paborito ko kasi walang script. Meron lang akong guidelines. Ang sarap magkuwento ng mga totoong nangyayari.

“Ano yung naging effect ng pandemic sa amin, sa mga restaurant owners, sa mga food services and ano yung mga naging ways to reinvent, you know, how to still give service despite the situation.

“Ganoon tayo eh. We adapt to the changing times para makakilos tayo nang maayos. Kasi, us, being Filipinos, we're very resilient. Gumagawa tayo ng paraan.”

Bilang panghuli, ibinida rin ni Alden na bukod sa epekto ng pandemya sa food industry, tatalakayin din sa documentary ang mga pagkaing naging patok ngayong quarantine.

“Also, sa Lockdown: Food Diaries, we'll tackle yung new normal foods na pinanganak ngayong quarantine.

“Yung talagang na-hook ako was sushi bake and yung ube pandesal. 'Yan. Ang daming lumabas na different variants, different flavors.

“But medyo binawasan natin 'to ngayon kasi siyempre ayaw natin mag-gain ng weight kasi medyo makasalanan siya. (laughs)”

Huwag palampasin ang napapanahong dokumentaryo na bubusugin ka sa mahahalagang impormasyon. Abangan ang Lockdown: Food Diaries, hosted by Alden Richards, ngayong Linggo, 3:45 p.m. sa GMA-7.

Kung hindi nagdi-display nang tama ang video sa itaas, puwede mo siyang panoorin na lang dito.

Alden Richards shares his takeaways on latest docu special, 'Lockdown: Food Diaries,' airs on Sunday