Showbiz News

Alden Richards, host ng special food documentary na 'Lockdown: Food Diaries'

By Racquel Quieta

Ang Anti-COVID-19 campaign ambassador at Kapuso star na si Alden Richards ang magiging host ng espesyal na food documentary ng GMA News and Public Affairs na pinamagatang 'Lockdown: Food Diaries.'

Sa napapanahong dokumentaryong ito, tatalakayin ang mga epekto ng pandemiya sa iba't ibang sektor sa industriya ng pagkain.

Ibabahagi rin ni Alden ang mahahalagang impormasyon at payo tungkol sa 'new normal' sa pamilihan at sa paghahanda ng mga pagkain na iyong ihahain sa hapag-kainan.

Huwag palampasin ang special food documentary na 'Lockdown: Food Diaries,' hosted by Alden Richards, ngayong September 27, Sunday, 3:45 p.m. sa GMA-7.

RELATED:

Alden Richards shares ways to boost immune system