
Tila mas lalong titindi ang galit ni Juday (Nadine Samonte) sa pagkakalaya nina Eduardo (Michael De Mesa) at Julio (Lucho Ayala) matapos niya itong sampahan ng kaso.
Matatandaan na pinaniwalaan ni Juday ang sinabi ng suspek na si Victor na si Eduardo ang mastermind sa pagkamatay ng kaniyang asawa na si Gregory (Alfred Vargas).
Sa teaser na inilabas ng Forever Young, naniniwala si Eduardo na mayroong taong gustong magdiin sa kaniya sa pagkamatay ni Gregory.
Galit na galit naman si Esmeralda (Eula Valdes) sa pagkakalaya ni Eduardo.
Samantala, sapilitan nang palalayasin si Rambo (Euwenn Mikaell) sa bahay ni Eduardo.
Abangan ito sa Forever Young ngayong Martes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FOREVER YOUNG CAST SA PAGKAMATAY NINA GREGORY AT ALBERT