
Hindi nyo ba naaabutan sa TV ang nangungunang afternoon drama sa Pilipinas na Prima Donnas? Huwag mag-alala dahil simula February 1, mapapanood na ang full episodes ng Prima Donnas online!
READ: Full episodes ng mga paborito n'yong Kapuso teleserye, mapapanood na sa GMANetwork.com at GMA Network app simula February 1!
Maaari nang mapanood ang istorya ng mag-iinang Lilian (Katrina Halili), Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo) sa GMANetwork.com.
Puwede rin saksihan ang nakakatuwa't nakakagigil na mga eksena nina Kendra (Aiko Melendez) at Brianna (Elijah Alejo) sa GMA Network app na pwedeng i-download sa Apple Store at Google Play.
Bukod sa Prima Donnas, mapapanood na rin online ang full episodes ng Magkaagaw, Madrasta, at Anak ni Waray vs Anak Ni Biday.
Enjoy watching online, mga Kapuso!
'Prima Donnas' to air Monday to Saturday starting February 1
Lolit Solis, hindi makapaniwalang tatapatan ng mga bigating aktor ang 'Prima Donnas'