GMA Logo Widows Web Tcard
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
What's on TV

Full trailer of 'Widows' Web' reaches 1 million views!

By Dianne Mariano
Published February 27, 2022 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web Tcard


Umabot na sa 1 million views ang full trailer ng kaabang-abang na Kapuso suspenserye na 'Widows' Web' sa Facebook.

Simula February 28, masusubaybayan n'yo na ang world premiere ng Widows' Web sa GMA Telebabad.

Pinagbibidahan ito ng apat na mahuhusay na aktres ng GMA Network na sina Ashley Ortega (Jackie Antonio-Sagrado), Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), Vaness del Moral (Hillary Suarez), at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).

Mapapanood sa official Facebook page ng GMA Drama ang full trailer ng Widows' Web, kung saan ipinakita ang stellar cast at ang mga makapigil-hiningang eksena na tiyak na aabangan ng bawat Kapuso.

Ang naturang video na ito ay umabot na sa 1 million views at umani pa ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)

Marami sa kanila ang pumuri sa mga ipinakitang eksena at nakaramdam ng excitement para sa nalalapit na seryeng ito.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook) and GMANetwork (YouTube)

Kabilang rin sa cast ng Widows' Web sina EA Guzman, Adrian Alandy, Christian Vasquez, Allan Paule, Tanya Gomez, Arthur Solinap, Mike Agassi, Mosang, Karenina Haniel, Bernard Palanca, Neil Coleta, Josh Morales, Dave Bornea, Anjay Anson, Vanessa Peña, at Ryan Eigenmann sa isang special guest role bilang Alexander Sagrado III o AS3.

Ang suspenseryeng ito ay ang kauna-unahang proyekto ng batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng sa GMA Network.

Abangan ang pilot episode ng Widows' Web ngayong Lunes sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Samantala, tingnan ang iba pang Kapuso shows na dapat abangan ngayong 2022 sa gallery na ito.