
Excited na ang Sparkle actress na si Gabbi Garcia sa upcoming shows sa Kapuso Network.
Mapapanood si Gabbi sa dalawang paparating na bigating serye ng GMA na Encantadia Chronicles: Sang'gre at Widows' War.
Noong January 1 sa teaser na inilabas ng Sang'gre, kumpirmado na ang pagbabalik ni Gabbi bilang Alena kasama ang OG 2016 Sang'gre na sina Glaiza de Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Kylie Padilla bilang Amihan.
Makakasama namang bibida ni Gabbi sa intense drama series na Widows' War ang primerang aktres na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Sa interview kay Cata Tibayan ng 24 Oras, ibinahagi ni Gabbi na magiging "very exciting" para sa kanya ang nasabing serye.
"Of course, Ate Carla I've been working with her ever since. My first show was actually with Ate Carla. With Bea naman, well [Dominic Roque] is a very close friend sa amin ni Khalil, so it's a different Bea that I'm gonna be knowing," pagbabahagi ng aktres.
Bukod dito, kaabang-abang din ang digital series pagbibidahan ni Gabbi kasama ang longtime boyfriend na si Khalil Ramos. Ito ang unang pagkakataon na gaganap sina Gabbi at Khalil sa isang dark romance series.
Panoorin ang buong interview ni Gabbi Garcia sa 24 Oras dito:
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE TEASER SA GALLERY NA ITO: