
Siguradong miss na miss niyo na rin magbakasyon ngayong may pandemya.
Maraming paraan para manatiling ligtas sa pamamasyal, kaya naman ipinasilip ni In Real Life host Gabbi Garcia ang isang hidden spot sa Bulacan na mala-Palawan ang ganda. Isang quick road trip lang makakapag-unwind ka na sa Norzagaray, Bulacan. Tamang-tama ito sa mga naghahanap ng nature getaway.
Magkasamang binisita ng motovlogger couple na sina Erlina Corpuz at Alfon Figueroa ang ilang magagandang tanawin sa Norzagaray habang nagbabyahe sa kanilang motorsiklo.