
Sa pagpapatuloy ng Game of Outlaws, nailigtas na sa wakas nina Aaron (Mark Prin Suparat), Relissa (Pimpawee Kograbin), at ng buong SIC si Jennifer (Natapohn Tameeruks) mula sa grupo ng sindikato na dumakip sa kanya. Sa pagpapagaling at pagbalik niya sa trabaho ay may mga pagbabagong kakaharapin ang magkapatid.
Matapos ang mga pinagdaanan ni Jennifer sa kamay ng grupo ni Sid at ng mga kasamahan niya, sa wakas ay nailigtas na siya nina Aaron, Relissa, at ng buong SIC.
Pero dahil hindi pa rin nakakarecover ay kailangan muna magpahinga ni Jennifer. Ngunit sa pagtulog niya ay napanaginipan niyang hinabol at pinatay ni Rita ang kapatid nilang si Keifer. To the rescue naman si Aaron at ipinangako naman nito sa dalaga na sasamahan at aalagaan siya nito
Sa pag-ayos ng lagay ni Jennifer, nagreport din siya agad kay Major General Marlyn Kongkwamdee at humingi pa ng pasensya sa hindi niya pag tapos ng misyon na ibinigay sa kanya at hindi niya pagcontact sa SIC.
Samantala, sinabi naman ni Kongkwamdee sa kantya ang mmagaganap na pagpupulong ng grupo ni Marvin ngunit hindi nito alam ang detalye. Dahil dito, nagdesisyon si Jennifer na bumalik kay Marvin para mapasok at malaman ang magaganap sa pagpupulong nila.
Sa kabilang banda, nagsimula nanaman ang pagkilos ni Black Mask at pag atake nito sa mga sindikato.
Gaya ng pinlano ng SIC ay nagsimula nang magkagulo ang mga grupo ng sindikato. At para makalaban ang SIC, sinabi ni Aaron na kailangan siraing ang pagawaan ng droga ng mga sindikato para hindi sila makalaban at kahit hindi nila alam kung saan ang mga ito, tinawag ni Kongkwamdee si Sid na makakatulong sa kanila.
Samantala, ibinigay naman ng Commander kay Relissa ang posisyon ng Police Captain. Bukod dito, nakaassign na rin kay Relissa ang mga kaso ng team leader nila, ngunit hindi nito matanggap ang naging desisyon ng kanilang commander.
Matapos ang celebration nila Relissa para sa promotion niya, nalasing ng husto si Relissa kaya't hinatid siya nina Marvin at Jennifer sa bahay. Habang kumukuha si Jennifer ng tuwalya para mapunasan si Relissa, naimagine nito na si Marvin ay si Aaron at inakalang ito ang naghatid sa kanya.
Bilang pasasalamat, hinalikan ni Relissa si Marvin.
Dahil sa pagpasok uli ni Jennifer sa poder ni Marvin, nagawa niyang pumunta sa pagpupulong nina William at ng iba pang mga sindikato.
Sa direksyon ni Kongkwamdee, lumapiy si Jennifer para mas marinig pa nila ang pinaguusapan ng mga sindikato ngunit sa kasamaang palad ay may nakakita sa kanya at inakusahan siyang espiya.
SAMANTALA, KILALANIN SA GALLERY NA ITO SI MARK PRIN: