GMA Logo Gardo Versoza
Courtesy: gardo_versoza (IG)
Celebrity Life

Gardo Versoza shares TikTok video with his wife inside the hospital

By EJ Chua
Published June 15, 2023 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Gardo Versoza


Game na game pa ring nag-TikTok si Gardo Versoza kahit nasa ospital siya para sa kanyang medical tests at procedures.

Kahit nasa ospital, hindi pa rin nagpahuli ang aktor na si Gardo Versoza sa ilang TikTok trends.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Gardo ang isang video sa kanyang social media accounts, kung saan mapapanood sila ng kanyang partner na si Ivy Vicencio habang sumasayaw.

Habang nasa loob ng isang hospital room, ginawa ng couple ang entry nila para sa nauusong “Gento challenge” sa TikTok.

Ayon sa caption ng aktor, entry raw niya ang naturang video para sa nalalapit na selebrasyon ng Father's Day.

Mababasa sa caption, “Gento 'yan kapag cupcake at si wifey, gento 'yan kasi lapit na Father's Day.”

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)

Matatandaang March 28, ay ginulat ng aktor ang kanyang fans at mga kaibigan sa showbiz nang mabalitaan ng lahat na inatake sa puso si Gardo.

Matapos nito, ibinahagi ng asawa ni Gardo na kailangan ulit sumailalim ang huli sa isa pang angioplasty procedure upang masolusyunan ang nakabara sa dalawang ugat na pinagdadaluyan ng dugo patungo sa kanyang puso.

Bago muling bumalik sa ospital, napag-alaman ng GMANetwork.com na binebenta ng aktor ang kanyang gym equipment para makalikom ng pandagdag sa kanilang funds para sa kanyang ikalawang angioplasty procedure.

KILALANIN ANG ILANG SHOWBIZ PERSONALITIES NA NAKARANAS NG STROKE AT HEART DISEASE SA GALLERY SA IBABA: