
Nagsimula na ang isang buwang training at rehearsals ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden kasama ang iba pang cast members ng Miss Saigon para sa Guam tour nito na magsisimula sa Setyembre.
Umalis ng bansa si Garrett papuntang Guam noong Biyernes, August 5. Sa sikat na stage musical, gagampanan ng Kapuso singer ang papel ni John Thomas, na best friend sa male lead nitong si Chris Scott.
Sa Instagram, ipinakita ni Garrett ang ilang mga larawang kuha sa rehearsals ng Miss Saigon.
"Day [two] of rehearsals with 'Miss Saigon' Guam," sulat ni Garrett.
Nagpaabot naman ng pagbati ang aktres na si Ana Feleo sa comment section ng post na ito ni Garrett. Aniya, "So proud of you [Garrett Bolden]. Kung puwede lang lumipad dýan para mapanood ka. But I'm so sure you'll be fantastic. Have the time of your life. Baka calling mo na ang musical theater."
Samantala, kilala si Garrett sa mga kanta niyang "Pwede Pa Ba" at "Our Love."
KILALANIN SI GARRETT BOLDEN DITO: