GMA Logo gazini ganados
Photo source: @gazinii
What's Hot

Gazini Ganados, pasok sa top 10 ng MGI All Stars live results

By Ron Lim
Published May 30, 2026 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nagpanggap na customer, holdaper pala! | GMA News Feed
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special

Article Inside Page


Showbiz News

gazini ganados


Malalaman ni Gazini Ganados kung siya ang kauna-unahang MGI All Stars queen ngayong gabi.

Pursigido ang Sparkle artist na si Gazini Ganados na maging kauna-unahang MGI All Stars queen, at kitang-kita ito ngayong parte siya ng top 10 ng MGI All Stars live results.

Ipinakita ng Miss Grand International organization ang ranking ng 56 kandidata ng kauna-unahang MGI All Stars pageant sa isang Instagram post. Base rito, pangwalo si Gazini Ganados, na may summary na 6.40. Nangunguna sa ranking si Vanessa Pulgarin ng Colombia, na mayroong summary score of 6.83.

Nasa top 20 naman si Fuschia Anne Ravena, na may summary score na 6.34. Si Keylyn Trajano ay nasa 27th place at may summary score siya na 5.75, habang si Imelda Schweighart () at Alexia Nuñez ay nasa 31st at 34th place, respectively.

A post shared by 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 (@missgrandinternational)

Related gallery: Gazini Ganados is ready to be the first MGI All Stars winner

Maliban sa kanyang top 10 placement sa live results, pasok din sina Gazini, Alexia, Fuschia, at Keylyn sa top 20 ng MGI All Stars Portrait Challenge, kung saan ay 10 ay ibinoto ng mga fans, habang pinili naman ng judges ang kalahati ng top 20.

Nanawagan din ang Miss Grand International organization sa mga taga-suporta ng mga beauty queen na ipagpatuloy ang pagboto. Tatlo sa top six ay manggagaling sa botohan, habang ang natirang tatlo ay pipiliin ng judges.

A post shared by 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 (@missgrandinternational)

Ang mataas na placement ni Gazini sa MGI All Stars ay patunay lamang sa atensyong nakukuha niya sa pageant.

Noong MGI All Stars sashing ceremony, golden bikini ang suot ni Gazini sa runway, at sinundan niya ito ng isang sparkly dress na gawa ng designer na si Pam O' Keefe. Sa Instagram, sinabi ni Gazini na “starstruck” siya sa sashing ceremony, at hindi pa siya maka-get over sa “magic, the energy, and the moment.”

A post shared by Gazini Ganados (@gazinii)

Sa one-on-one interview ng GMA Lifestyle, ibinahagi ni Gazini na ang kanyang ama ang nagsabi tungkol sa bigat ng sitawasyon ngayon sa Palestina, na nagdulot ng kanyang healing, evolving, at pag-intindi sa kanyang sarili.

“The past year has allowed me to grow and heal and understand myself beyond the titles, beyond the glitz and glam,” paliwanag niya. “I am ready to represent myself, my identity, with intention, and that is as a Filipina-Palestinian who is still experiencing the gravity of the war in Palestine.”

Nangako rin si Gazini na makakaasa ang kanyang fans at supporters ng magandang performance mula sa kanya.

“I am more excited because this time around, I know myself more, my core, my values, my identity, especially my purpose,” sabi niya. “I am more prepared physically, mentally, and emotionally this time. I've discovered so much of my self already and I am going to share that with the global stage this time around.”

Related gallery: Meet the Pinay queens competing in MGI All Stars

Gaganapin ang MGI All Stars coronation night ngayong gabi, May 30.

Tags: