GMA Logo Gen Z series MAKA
What's on TV

Gen Z series 'MAKA,' mapapanood na sa GMA ngayong September 21

By Aimee Anoc
Published September 14, 2024 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gen Z series MAKA


Handa nang magbibigay inspirasyon ang Gen Z series na 'MAKA,' na pagbibidahan ng Sparkle young stars kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Simula September 21, magpapatuloy ang paghahandog ng Kapuso Network ng inspirational youth oriented shows sa pinakabagong teen show ng GMA Public Affairs, ang MAKA.

Sa inspiring Gen Z series na ito na may musical elements, tampok ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA, kung saan matutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

Pagbibidahan ang MAKA ng Sparkle stars na sina Zephanie (bilang Zeph Molina), Marco Masa (bilang Marco Reyes), Ashley Sarmiento (bilang Ash), Dylan Menor (bilang Dylan Dela Paz), John Clifford (bilang JC Serrano), Olive May (bilang Livvy Ilagan), Chanty Videla (bilang Chanty Villanueva), Sean Lucas (bilang Sean Dimaculangan), at May Ann Basa (Bangus Girl).

Makakasama rin sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta, na gaganap bilang ang gurong si Sir V o Victor Felipe.

Abangan din sa MAKA ang reunion ng That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar. Sasamahan din sila ng beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.

Magsisimula ang kuwento ng MAKA sa pagbabalik ng respetadong theater director at playwright na si Sir V sa kanyang iniwanang bayan dahil sa kinakaharap na isyu na sumira sa kanyang career. Sa pag-uwi, may pag-aalangan man ay tinanggap niyang maging isang Art teacher sa isang public high school, ang MAKA.

Abangan ang MAKA tuwing Sabado, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: