
Nagpapasalamat si Glaiza de Castro at nabawi na niya ang kanyang Facebook page mula sa isang hacker.
Bago matapos ang Hunyo, nabahala si Glaiza dahil sa pagkaka-hack ng kanyang social media accounts.
Hiningan ang aktres ng ransom para sa kanyang hacked Instagram account noong June 24. Agad din niyang nabawi ito pero matapos ang apat na araw, ang Facebook page naman niya ang pinuntirya.
Sa kabutihang palad at sa tulong na rin ng kanyang fans, nabawi na ni Glaiza an kanyang Facebook page.
Balita niya, “Thank you #facebok team for restoring my FB page. At salamat sa mga nangalampag kay kuya hacker.”
Maliban kay Glaiza, ilang artista na rin gaya nina Maine Mendoza, Heart Evangelista at Derrick Monasterio ang nabiktima ng hackers.
IN PHOTOS: Celebrities na nabiktima ng hackers