
Talaga namang ibang level ang ipinakitang nag-aapoy na kapangyarihan ni Pirena nang paulanan nito ng mga bolang apoy ang kampon ni Gargan nang lumusob ang mga ito sa Hathoria.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, nagbigay si Glaiza De Castro ng reaksyon sa kinalabasan ng nagliliyab na eksenang ito ng kanyang karakter na si Pirena.
"Actually, nagulat nga ako nu'ng napanood ko 'yung eksena na nagkaroon ako ng pakpak, tapos 'yung level-up na powers n'ya lumabas na," sabi ni Glaiza.
"Nu'ng sinu-shoot namin siya, wala akong ideya kung ano 'yung kalalabasan. But, when I saw it on TV, 'Wow! Ang bongga niya."
Ipinarating din ni Glaiza ang saya na nagkaroon ng pagkakataon si Pirena na ma-"redeem" ang sarili sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Masaya ako na dito sa season ng Encantadia na-redeem talaga ni Pirena 'yung pagiging mabuti niyang kapatid, 'yung pagiging butihing ina kay Flamarra (Faith Da Silva) at kay Mira (Kate Valdez)," sabi niya.
Patuloy na subaybayan si Glaiza De Castro bilang Pirena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
RELATED GALLERY: Glaiza de Castro stuns in Filipino designs at IFFR 2026