GMA Logo Glaiza de Castro at Faith Da Silva para sa Sang gre
What's on TV

Glaiza de Castro, tiwala sa kakayahan ni Faith Da Silva bilang bagong Sang'gre

By Aimee Anoc
Published November 8, 2023 12:37 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro at Faith Da Silva para sa Sang gre


Glaiza de Castro kay Faith Da Silva bilang bagong Sang'gre: "Nakikita ko kasi sa kanya na talagang palaban s'ya. Kahit saan ka [ilagay] magsu-survive ka. Ganoon si Pirena."

Naniniwala si Glaiza de Castro sa kakayahan ni Faith Da Silva bilang isa sa mga bagong Sang'gre.

Sa pagpapatuloy ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre, si Faith ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy. Makikilala siya bilang Flamarra, anak ni Sang'gre Pirena, na muling gagampanan ni Glaiza de Castro.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Glaiza ang mensahe para kay Faith. Nagbigay rin ng payo ang aktres sa pressure na nararamdaman ngayon ni Faith para sa malaking role na gagampanan sa Sang'gre.

"Kanina nag-uusap kami ni Faith," sabi ni Glaiza. "Ikinukuwento n'ya sa akin 'yung pressure at nararamdaman n'ya. Ito na, natapos na 'yung story [conference] at nailatag na 'yung mga kanya-kanyang roles at kung ano 'yung papasukin nila.

"Pero naniniwala ako sa 'yo, Faith, naniniwala ako sa kakayahan mo. Pinanood kita sa TiktoClock, okay Faith Da Silva ka, ayon 'yung personality mo. Pero nakikita ko kasi sa kanya na talagang palaban s'ya.

"Kahit saan ka [ilagay] magsu-survive ka. Ganoon si Pirena. Pero nami-misinterpret na mayabang s'ya o mataray s'ya o sutil s'ya. May ibang way lang din s'ya of dealing with challenges and problems pero mabait s'ya, may puso. So, 'yun ka, 'yun si Flamarra. Kahit na fierce s'ya, may puso s'ya."

Naniniwala naman si Faith na "right timing" ang pagiging bahagi niya sa Sang'gre. Sa interview, binalikan ng aktres ang naging audition noong 2016 sa Encantadia para sa role ni Mira, anak ni Sang'gre Pirena, kung saan hindi siya pinalad na makuha.

"Noong 2016 as I auditioned for Mira... nakita ko naman doon sa audition na perfect talaga si Kate Valdez for that role. I mean wala akong masasabi with that. Pero, when I was auditioning for that, gusto ko talagang makuha ang Brilyante ng Apoy. Brilyante talaga ng Apoy na parang hindi ko siya nakuha noong 2016... nakuha ko siya ngayong 2023," pagbabahagi ni Faith.

Pagsang-ayon ni Glaiza, "Nakalaan para sa'yo."

Nagpasalamat naman si Faith sa tiwala at payong ibinigay sa kanya ni Glaiza.

"Kaya kailangan lang talaga nating maging patient at maniwala sa proseso ng buhay, 'yung journey natin. You know, if I didn't prepare sa bagay na gusto ko talagang gawin, hindi ako dadalhin ng tadhana rito sa kung ano 'yung mayroon ako ngayon. Kaya maraming-maraming salamat for trusting me," sabi ni Faith kay Glaiza. "Kasi 'yung mga words mo it means a lot and Glaiza is Glaiza."

Dagdag na payo ni Glaiza, "Okay lang ma-feel 'yung pressure kasi lahat naman tayo nakaranas n'yan. And you use that pressure para maging fuel mo sa gagawin mo rito. Basta dalhin mo lang sa tamang direksyon 'yung pressure."

Makakasama ni Faith sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: