GMA Logo Apoy sa Langit, Raising Mamay and The Fake Life
What's Hot

GMA Afternoon Prime dramas, mapapanood na sa online streaming simula ngayong June 20

By Maine Aquino
Published June 20, 2022 1:18 PM PHT
Updated June 20, 2022 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit, Raising Mamay and The Fake Life


Abangan ang inyong mga paboritong GMA Afternoon Prime series sa online streaming simula ngayong June 20.

Simula ngayong Lunes, June 20, maaari na ring mapanood ang mga GMA Afternoon Prime series online!

Tiyak na tututukan lalo ang mga kaabang-abang na mga eksena sa mga GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit, Raising Mamay, at The Fake Life online.

Ang mga programang ito ay maaari nang mapanood anywhere via livestreaming sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.

Abangan ang maiinit na mga tagpo ng Apoy sa Langit starring Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, and Lianne Valentin at 2:30 p.m.

Susunod naman ang pagganap bilang magnanay nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava sa Raising Mamay.

Pagkatapos nito ay kaabang-abang na kuwento naman ng The Fake Life starring Ariel Rivera, Beauty Gonzalez, Sid Lucero at iba pang mahuhusay na mga Kapuso stars ang mapapanood.

Manood na via online streaming ng inyong mga paboritong GMA Afternoon Prime series simula 2:30 p.m. sa GMA Network.