GMA Logo Heart Evangelista Good morning towel top
Photo source: @iamhearte
Celebrity Life

'Good Morning towel' na top, ibinida ni Heart Evangelista sa Instagram

By Ron Lim
Published January 10, 2026 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Discussion: Filipino students are ready to lead—but why are they leaving?
Dead dog used to get donations? Advocates sound the alarm
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista Good morning towel top


Ang Vimfo Camisa ng Glorious Dias ay isa lamang sa mga lokal na produkto na sinuportahan ni Heart Evangelista.

Bilang isang global fashion and style icon, hindi nakakagulat kapag may suot na international designer pieces si Heart Evangelista. Pero hindi ibig sabihin na walang sinusuportahang local brand ang Kapuso star.

Nag-upload ng isang Reel si Heart sa kanyang Instgram account kung saan suot-suot niya ang Vimfo Camisa, isang camisa na gawa ng local brand na Glorious Dias at gawa mula sa popular na Good Morning towel. Ang Vimfo Camisa ay kasunod na inilabas ng Glorious Dias pagkatapos ng Bimpolos, isang polo na ginawa ng Glorious Dias mulsa rin sa Good Morning towel.

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

RELATED CONTENT: LOOK: Heart Evangelista's designer accessories

Hindi ito ang unang pagkakataon kung saan nagpakita ng suporta si Heart Evangelista sa isang lokal na produkto. Sa Paris Fashion Week noong nakaraan taon ay may suot na cherry hairclips si Heart na ginamit niya bilang accent sa kanyang damit.

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Ang brand na gumawa sa hairclips ay Hello Wilhelmina, at nag-iwan ang ito ng comment sa post ni Heart kung saan pinasalamatan nila ang Kapuso star para sa suporta mula pa noong 2010. Dagdag nila, malaki ang utang na loob nila kay Heart.

Nag-post din ang Hello Wilhelmina sa kanilang Instagram account at pinasalamatan si Heart dahil palagi silang dinadala sa Fashion Week.

A post shared by Headbands by Wilhelmina (@hellowilhelmina)

Nitong nakaraang taon din ng i-display ni Heart ang kanyang stone-encrusted nails na gawa ng Extraordinail Salon & Skin Care, isang nail salon na may mga branch sa Bonifacio Global City, Greenhills, Tomas Morato, at Alabang. Nagsimula ang negosyo noong 2014, at ilan sa mga serbisyo niyo ay facials, body treatments, waxing, at nail arts. Bagamat hindi nakalagay sa website nila kung magkano ang serbisyong ginawa nila para kay Heart, may kaparehas na press on nail package sila na nagkakahalaga ng PhP4,105.

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Of course, nagsusuot rin si Heart ng international brands. Noong 2024, nag-upload ng maraming photo si Heart mula sa isang Cartier event sa Thailand, suot ang Panthère de Cartier necklace. Ayon sa Cartier website, gawa mula sa white gold at walong emeralds, 38 onyx pieces, at 1,359 brilliant cut diamonds totaling 18.04 carats ang necklace. Hindi nakalagay sa website ng Cartier ang presyo ng necklace, pero may mga kaparehang necklace na gawa sa parehong materyal na nagkakahalaga ng AU$67,000 o P2,656,413 base sa kasalukuyang exchange rates.

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

RELATED CONTENT: Heart Evangelista attends back-to-back events in Singapore and Thailand