GMA Logo grace tanfelix
sources: grace_tanfelix/IG, migueltanfelix_/IG
Celebrity Life

Grace Tanfelix, aprub ba kay Ysabel Ortega para sa anak na si Miguel?

By Kristian Eric Javier
Published March 3, 2025 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelina Jolie bares mastectomy scars in magazine feature
'Puno Ng Puso Ang Paskong Pinoy' (2025 GMA Christmas Station ID Jingle) official audio released
4 entrapped in Mandaue City for land title scam

Article Inside Page


Showbiz News

grace tanfelix


Okay na ba kay Mommy Grace Tanfelix si Ysabel Ortega para kay Miguel?

Hindi maitatanggi na isa sa mga hinahangaan ngayong na Kapuso couples ay sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Ngunit ang tanong; aprubado kaya sa ina ng aktor na si Grace Tanfelix ang aktres?

“Okay siguro sila. Okay na 'to. Okay na 'to, si Ysabel for me,” sabi ni Grace sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend.

“Walang halong ano, mabait si Ysabel. Genuine 'yung kabaitan nu'ng bata,” pagpapatuloy pa ni Mommy Grace.

BALIKAN ANG MAULANG PHOTOSHOOT NINA MIGUEL AT YSABEL SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin ni Nelson kung papaano kung mag-level up na ang relationship ng kaniyang anak at ni Ysabel, sinabi ni Mommy Grace na papayag naman siya kung talagang gusto na nila. Pahabol niya, “Pero 'wag muna.”

Sabay dagdag na, “Pero nakikita ko naman sa kanila, parang wala pa naman."

Ayon ay Mommy Grace, tinatanong din niya si Miguel kung kailan niya balak magpakasal. Ang sagot umano ng 26-year-old actor, “Siguro daw mga 30 plus.”

Pag-amin naman ni Mommy Grace, kung iyon ang gusto ng kaniyang anak ay wala naman siyang magagawa.

Nag-trend si Mommy Grace sa social media dahil sa kaniyang cooking videos, kung saan tuwing natatapos magluto ay sinasabi niya ang katagang “Okay na 'to.”

Kamakailan lang ay nakasama pa niya ang kaniyang anak na si Miguel sa action drama series nito na Mga Batang Riles nang mag-guest siya dito.

Ang reaksyon ni Mommy Grace sa kaniyang paglabas sa naturang serye, “Artista na 'yan!”

Panoorin ang episode dito: