
Ilang taon na ang nakalipas simula nang iwan ni Hans Montenegro ang kaniyang showbiz career.
Kung sakaling may proyektong ibinigay sa kaniya ngayon, tatanggapin niya kaya ito?
Ito ang isa sa mga topic na pinag-usapan nina Hans at Paolo Contis sa Just In nitong April 7.
Iniwan ni Hans ang kaniyang career sa showbiz taong 2004 para bumalik sa pagtatrabaho sa corporate world.
Bago pa man siya mag-artista, ang una niyang naging trabaho ay sa corporate industry.
Saad ni Hans, "Bumalik ako sa corporate. Human resources kasi 'yung inaral ko... Pinursige ko 'yung HR pero pinasok ko 'yung BPO call center.
Sa ngayon ay nagtatrabaho naman si Hans sa Manila office ng isang kompanya.
"Pinili ko na itong buhay na ito mula 2004, so 17 years na akong corporate.
"Ito na 'yung pinakamatagal kong commitment sa buong buhay ko." Saad ng dating showbiz personality.
Nang tanungin si Hans ng Just In host na si Paolo kung papasukin niya ba ulit ang showbiz kapag may offer, agad niya itong sinagot ng "Anytime!"
Paliwanag ni Hans, "Ang sa akin lang, kung ang tanong ay willing ba ako, siyempre. Why not, 'di ba?"
"Kung dati nandoon ako sa punto na hindi ko alam ano ang ambisyon ko sa buhay kaya subukan ko na lang lahat.
"Ngayon medyo alam ko na kung ano talaga yung direksyon ng buhay ko, pero hindi pa rin mawawala yung, of course, I will do it."
Samantala, wala ring problema kay Hans kung gusto ng isa sa mga anak niya ang mag-artista,
Si Hans ay may tatlong anak na sina Ashley , Santiago, at Elena.
Photo source: Hans Montenegro (Facebook), @ashleysubijano (IG)
Saad ni Hans, "Tanggap ko na 'yun e."
Paglilinaw pa ng dating aktor, "Hindi naman sa may iba akong pinapatamaan, pero ang punto ko is ipokritong magulang.
"Napagdaanan ko 'yan at hindi naman masama 'yung naranasan ko noong napagdaanan ko, so wala akong dahilan para i-discourage 'yung bata."
Kuwento pa ni Hans ay wala naman siyang masamang experience sa showbiz para pigilan ang mga bata.
"Buti sana kung puwede ko sabihin na, 'Ay naku, pinasok ko 'yan, diyos ko, napakasama ng experience ko diyan. Hanggang ngayon, ang dami ko pang hinanakit at sama ng loob.'
"Wala naman akong masabi na ganon, e. Masaya ako noong pinasok ko 'yung showbiz.
"Masaya ako noong umalis ako ng showbiz.
"Masaya pa rin ako hanggang ngayon kaya wala akong problemang bumalik."
Kung sakaling ito man ang gustong gawin ng mga anak, may payo lamang ito sa kanila.
"Ang mapapayo ko na lang sa'yo is every now and then paminsan-minsan mag-usap tayo.
"Kasi, mahirap din 'yung ikaw lang 'yung nagdedesisyon na wala kang puwedeng ikonsulta.
"Papayuhan lang kita, at the end of the day, gagalangin ko 'yung desisyon mo."
Panoorin ang kabuuan ng panayam ng Just In kay Hans sa video sa itaas o sa link na ito.
Kilalanin ang iba pang mga artista na iniwan ang showbiz sa gallery na ito: