
Itataas pa natin ang kilig-meter sa Happy ToGetHer this Sunday night, dahil patuloy ang sweet moments nina Julian (John Lloyd Cruz) at showbiz star na si Anna (Julie Anne San Jose).
Kung kayo ang tatanungin, mga Kapuso, sino ang perfect match para kay Anna?
Ang guwapo niyang ka-loveteam na si Banjo (Jak Roberto) o ang real-life prince charming niya na si Julian?
At makatunog kaya lalo si Banjo sa totoong namamagitan sa kaniyang kapareha at kay Julian nang umattend ito sa screening ng pinakabagong teledrama ng BanAnna?
Kung nabitin kayo sa mga eksena nina John Lloyd at Julie Anne last Sunday, we got you covered, dahil marami pang kilig senes ang dalawa sa Happy ToGetHer.
Mapapanood ngayong July 10 sa Kapuso sitcom sina Jak Roberto at vlogger na si Mama Loi!
Kaya bago mamangha sa mga trending na kuwento sa Kapuso Mo Jessica Soho, nood muna ng Happy ToGetHer sa oras na 7:40 p.m.
Alamin kung sinu-sino ang co-stars ni John Lloyd Cruz sa hit Kapuso sitcom sa gallery na ito!