
Makakahanap ng chance sina Julian (John Lloyd Cruz) at Anna (Julie Anne San Jose) na magsama habang may ginagawang proyekto ang aktres.
Irerekomenda ni Anna sa ka-love team na si Banjo (Jak Roberto) na makakatulong si Julian bilang resource person sa pagmomotor na kailangang ng aktor sa kaniyang eksena.
Ano kaya ang mangyayari sa shooting lalo na magkasama sina Julian (John Lloyd Cruz) at Anna (Julie Anne San Jose)?
Malusutan kaya nila ang bantay-sarado na si Mama OJ (Mama Loi)?
Balikan ang nakakakilig na episode ng Happy ToGetHer last July 3 sa video below.
Anna, style mo bulok!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
Julian, napasubo sa pagiging stunt double!
Banjo, nagselos kina Julian at Anna?!
Bert, ang gaslaw-gaslaw mo!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.