Showbiz News

Gardo Versoza, pinaghahandaan na ang kanyang ikalawang angioplasty procedure

By EJ Chua

Unang linggo ng Abril ngayong taon nang magbigay ng pinakahuling update ang asawa ni Gardo Versoza na si Ivy Vicencio tungkol sa kalagayan ng aktor.

Matapos mapagtagumpayan ang ilang medical procedures, ibinahagi ni Ivy na na-discharge na mula sa Cardinal Santos Memorial Medical Center si Gardo.

Ilang linggo naman matapos makalabas ng ospital, isang mahalagang post ang ibinahagi ng aktor sa Instagram.

Sa isa sa kanyang posts, mapapanood ang kanyang throwback TikTok video habang siya ay nasa kanilang workout area.

Kakabit ng video ay ang kanyang caption na, “For sale all-in-one gym equipment compact ideal for condo RFS need to raise funds for 2nd angioplasty procedure… Thank you, LORD [pray emojis]. I miss dancing.”

Ayon sa kanyang post, ibinebenta niya ang kanyang gym equipment para makalikom ng pambayad o pandagdag sa kanilang funds para sa kanyang nalalapit na ikalawang angioplasty procedure.

A post shared by Gardo Versoza (@gardo_versoza)

Matatandaang March 28, nang atakihin sa puso si Gardo at naratay siya Intensive care unit o ICU sa nabanggit na ospital para sa angioplasty dahil mayroon umanong nakabara sa dalawang ugat na pinagdadaluyan ng dugo patungo sa kanyang puso.

Una nang ibinahagi ng asawa ni Gardo na sasailalim ang huli sa isa pang angioplasty na naka-schedule pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan mula sa unang procedure na isinagawa sa kanya.

Samantala, noong February ay nalaman ng GMANetwork.com na kabilang si Gardo sa cast ng upcoming series na Unbreak My Heart, kung saan kasama niya sa naturang proyekto sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria, Victor Neri, at marami pang iba.

KILALANIN ANG ILANG SHOWBIZ PERSONALITIES NA NAKARANAS NG STROKE AT HEART DISEASE SA GALLERY SA IBABA: