Showbiz News

KMJS: Lambanog, pwedeng alternatibo sa alcohol?

By Dianara Alegre

Sa takot na mahawaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), nag-panic buying ang marami sa publiko at ang pinakabiniling pangontra virus ay mga alcohol at face mask.

Naubos din ang mga ito sa mga grocery store at drug store sa rami ng bumili.

Pero sa mga wala nang mabilhan ng acohol, may mga grupo na itinatagay ngayon ang isang alternatibo.

Anila, mabisa rin daw pamatay virus ang classic inumin sa mga probinsya, ang lambanog.

“Lambanog is considered as an alcoholic beverage. Why not make use of it,” pahayag ni Dr. Grace Santiago, isang Provincial Health Officer sa lalawigan ng Quezon.

Dagdag pa niya, “If we can recommend po sa FDA (Food and Drug Administration), kung mayroon po silang ia-approve na mga lambanog, it would be nice also if we can use it as a substitute for our alcohol."

Ayon sa mga eksperto, palaging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon pero puwede rin daw gumamit ng alcohol, yun ay kung mayroon pang mabibili.

Samantala, sa Tayabas, Quezon, alas sais pa lang ng umaga ay tumutulay na sa kawayan ang mangangarit Contijino na si Ronaldo para umakyat sa puno ng niyog at makakuha ng gagawin niyang lambanog.

Gamit ang karit ay hinihiwa ni Ronaldo ang bulaklak ng niyog para makakuha ng katas o tuba.

Idini-deliver niya ito kay Loretta Elsa Capistrano-Fabie, na mahigit tatlong dekada nang gumagawa ng tuba.

Sa proseso ng paggawa ng lambanog, hinihayaang ma-ferment ng dalawa o tatlong araw ang tuba bago isasailalim sa distillation.

Makalipas ang tatlong oras, ayos na ang lambanog ngunit masyadong mataas ang alcohol content nito.

Ito ang tinatawag na “Bating.” Paulit-ulit itong sinasala at pinoproseso upang umabot sa tamang porsyento upang mainom.

Ayon naman sa lambanog manufacturer na Joselito Mallari , ang unang “pawis” o “bating” na mula sa distillation process ng ginagawa nilang lambanog ang ginagawa nilang disinfectant.

Aniya, “Ito po ay pumapatay ng mga germs. Ito ay 135 proof o 65 percent alcohol volume.”

Ginagamit niya itong hand sanitizer, panlinis ng kanilang door knob at iba pang gamit sa bahay na possible umanong dapuan ng coronavirus.

“Natural lang ang nararamdaman 'pag ipinahid sa balat. Parang maluwag, paglalarawan ni Joselito.

Ngayon ay ibinebenta ni Joselito ang ginagawa nilang bating na nagkakahalaga ng PhP20 hanggang PhP50 kada bote.

May ilan nang nakasubok ng bating bilang disinfectant at anila, parang alcohol lang din ito.

Pero puwede nga ba itong alternatibo sa alchohol?

Alamin kung totoo nga bang puwedeng alternatibo ang bating sa alcohol sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:


KMJS: Zion of God, exempted sa COVID-19?

Unang Pinoy na nagkasakit ng COVID-19, may mensahe sa publiko