Showbiz News

'The Clash' champ Golden Cañedo, umiiwas muna sa social media ngayong may pandemic

By Aedrianne Acar

Naaapektuhan daw si Kapuso singer Golden Cañedo ng mga nakikita niya online ngayong may hinaharap na krisis ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Golden Cañedo, may mensahe sa mga sasali sa online auditions ng 'The Clash'

Sa panayam niya sa Kapuso Showbiz News, kinuwento ng The Clash grand champion kung paano niya inaalagaan ang kanyang mental health lalo na kung nakakaramdam siya ng anxiety.

Kuwento ni Golden, "Sa akin po nakikita ko sa social media 'yung gaano nahihirapan 'yung mga tao ngayon na walang trabaho.

"Sobrang nahihirapan po sila, so ngayon po hindi ako masyado tumitingin kasi naii-stress lang ako at nalulungkot ako."

Malaking tulong ayon sa Kapuso singer na kasama niya ang kanyang pamilya kaya hindi siya masyadong nalulungkot.

"Dito po sa bahay namin, hindi naman ako masyado nalungkot kasi buo naman po kami ng family ko, saka may mga siblings naman po ako dito na nalalaro ko, nagbo-bonding po kami,"

Ibinahagi din ni Golden ang ginawa niyang pagtulong sa mahigit sa 400 na pamilya sa kanyang hometown sa Cebu.

Panoorin ang exclusive interview niya sa Kapuso Showbiz News in the video below.

IN PHOTOS: Golden Cañedo's inspiring transformation