Showbiz News

Manilyn Reynes, sinabihang 'OA' ang suot na face shield

By Aedrianne Acar

Dahil ng COVID-19 pandemic, maraming ginagawang paraan ang mga tao para maprotektahan ang kanilang mga sarili sa posibleng pagkahawa ng coronavirus tuwing lalabas.

Kahit ang celebrities may kanya-kanyang personal protective equipment (PPEs) na suot para hindi magkasakit.

Tulad na lang ng Pepito Manaloto actress na si Manilyn Reynes, na ipinasilip sa Instagram ang kanyang face shield habang nasa grocery.

Sabi niya sa post, “Let's be responsible and considerate. By wearing our protective gear, we protect each other.”

Pero tila isang netizen ang taliwas ang opinyon sa suot na PPE ni Manilyn at sinabihan siya na “OA" o over reacting.

Mahinahon ang tugon ng Kapuso actress sa komento ng netizen at wala siya nakikitang problema, "Basta safe po."

Ang iba naman ay mas piniling biruin si Manilyn sa “futuristic” face shield niya.

WATCH: Touching duet of Manilyn Reynes and her mom