Showbiz News

Vlogger Emman Nimedez, 'unstable at kritikal' ngayon sa ospital

By Aaron Brennt Eusebio

Nanghihingi ng tulong ang pamilya ng kilalang YouTuber na si Emman Nimedez dahil muling isinugod sa ospital kagabi ang vlogger dahil sa kidney failure at blood complication.

Sa isang post na makikita sa official Facebook page ni Emman, ikinuwento ng kanyang girlfriend na si Peachy Santos ang nangyari.

“Sa mga nakakabasa po nito gusto ko lang po ipaalam na Dinala po sa ICU si Emman kagabi dahil po sa kidney failure and blood complication,” sulat ni Peachy.

“Nawalan po siya ng malay around 10pm, tinry ko po siyang gisingin pero di na po siya nagrerespond. Hindi pa namin siya nakausap since kagabi.

“Bago po siya pinasok sa ICU kausap po namin siya kasama ang team payaman at mahal nya sa buhay and alam kong naririnig nya yun dahil tumatango po sya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

“Ngayon po ay critical condition niya at unstable.”

Kahit na may pinagdadaanan, patuloy na ngumingiti at lumalaban ang vlogger na si Emman Nimedez. Kritikal at unstable ang kanyang kondisyon ngayon sa ospital. / Source: Emman Nimedez (Facebook)

Nanghihingi naman ng tulong sina Peachy at ang pamilya ni Emman dahil sa lumalaking bill nila sa ospital.

“Kailangan po namin ng suporta at tulong nyo ngayon malaki man o maliit ang halaga,” dagdag niya.

“Pera man o simpleng pag share lang ay malaking tulong na po yun para sa kay emman. kitang kita ko na gusto nya po lumaban.

“Kasi everytime na sinasabe ko 'lalaban tayo ha' tatango sya. Hinahawakan nya yung kamay ko ng mahigpit at alam ko na lalaban tayo na magkasama sa pagsubok na to.”

Sa kanyang Facebook page naman, nagbigyan rin si Peachy ng mensahe para kay Emman.

Sulat niya, “Mahal alam ko hindi mo nababasa to, pero pag galing mo dyan panigurado mababasa mo na to. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyare. Iisa ako sa makakasama mo sa laban na to.”

“Mag pagaling ka lang dyan mahal. Okay lang kami ngayon dito. Mahal na mahal kita emman. Madami pakong gusto gawin kasama ka. Madami pako gustong maabot na pangarap kasama ka. Madami pa tayong travel, anime napapanuorin at gundam na bubuoin.

“Man, kayang kaya mo yan. Kahit anong mangyare mahal di kita iiwan. Kung pwede lang kunin lahat ng sakit ngayon ng nararamdaman mo gagawin ko para maging okay ka. Mahal na mahal kita yayakapin pa kita ng sobrang higpit.

“Gusto ko lang po sabihin na maraming salamat po sa mga tumutulong at walang sawang pagmamahal na pinaparamdam nyo kay emman. Kung alam nyo lang kung gano sya kasaya at kung gano nya gusto lumaban.

“Kahit anong amount po o kahit pagshare lang sobrang laking tulong na po to.

"Kaya natin to at kayang kaya ni emman to. Emman ko yan eh.”

Noong May 17, inamin ni Emman sa isang 10-minute vlog na mayroon siyang acute myeloid leukemia.

Pagkatapos nito, bumuhos ang suporta sa kanya mula kina Wil Dasovich at sa bandang Ben&Ben showed their support.

Natapos ni Emman ang first cycle ng kanyang chemotherapy noong June 14, kung saan nag-shave siya at ang kanyang ama ng ulo.

Kung gusto niyong mag-donate, pumunta lamang sa Facebook page nina Emman at Peachy para makakuha ng detalye.