Showbiz News

Solenn Heussaff, nagbigay ng tips para maging fit at healthy

By Maine Aquino

Nananatiling fit at healthy si Solenn Heussaff kahit nasa bahay lang siya ngayong quarantine period.

Ayon kay Solenn, may meal plan siya na sinusunod para ma-achieve ang kanyang strong at sexy na pangangatawan.

Photo source: @solenn (Instagram)

Ibinahagi ni Solenn ang kanyang sikreto sa episode ng Taste Buddies nitong November 14. Ayon sa actress, may paraan para makapagbawas ng timbang kahit nasa bahay lang.

"Sa mga lazy mag-diet, may mga tips ako para sa inyo. Just make sure to have your last meal at 6 p.m. 'Yun 'yung dinner ninyo."

Dugtong pa niya ay ang technique na pag-inom ng tubig bago kumain.

Saad ni Solenn, "Before each meal, uminom kayo ng isang glass of water. So one glass is about 8 oz of water."

Inamin rin ni Solenn na kanyang ginagawa ang intermittent fasting. Ayon sa healthline.com, "Intermittent fasting (IF) is an eating pattern that cycles between periods of fasting and eating. It doesn't specify which foods you should eat but rather when you should eat them."

Saad ni Solenn sa kanyang pagsunod sa intermittent fasting ay kumakain lamang siya ng dalawang beses sa isang araw. "Usually I skip breakfast. So 'yung meals ko ay lunch at dinner."

Nilinaw rin ni Solenn na kahit na nagbabawas ng pagkain ang isang tao, importante pa rin ang workout para ma-achieve ang healthy na pangangatawan.

"Kailangan mag-work out, mag-exercise. Kahit nasa bahay lang kayo. It is easy to do."

Dugtong pa niya, "As long as you're moving, as long as you're not sitting in front of your couch, in front of your TV 24/7, you'll be fine and you'll be burning calories.


Taste Buddies: Solenn Heussaff tries vegan-friendly desserts and pastries

Solenn Heussaff, ipinakita ang kanyang work from home set-up para sa 'Taste Buddies'