Showbiz News

Arra San Agustin, mas tumibay ang pananampalataya ngayong 2020

By Maine Aquino

Mas matibay na pananampalataya sa Diyos ang naging epekto umano ng 2020 sa Kapuso star na si Arra San Agustin.

Tulad ng nakararami, may challenges rin na hinarap si Arra ngayong taong 2020.

Sa kanyang recent interview with GMANetwork.com, inamin ni Arra na mayroon siyang personal problems na hindi niya inaakalang mangyayari o mararanasan sa kanyang buhay.

Hindi man inamin ng aktres kung ano ang kanyang pinagdaanan, ibinahagi naman niyang proud siya sa sarili niya na kinaya niyang harapin ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Photo source @arrasanagustin

Pag-amin ng aktres, "Siguro 'yung mga personal problems na nangyari sa akin na hindi ko na-imagine na mangyayari sa akin, kinaya ko.

"Noong nandoon ako sa situation, ino-overthink ko siya, 'tapos masyado akong nagiging anxious, pero napagdadaanan naman pala."

Naging mahirap man umano ang sitwasyon ni Arra ay nagpapasalamat siya dahil sa mayroon pa rin siyang mga proyekto.

Ongoing pa rin ang online show ni Arra na Taste MNL at malapit na rin siyang magsimula ng taping para sa Lolong.

Inamin ni Arra na dahil sa mga pagsubok na kanyang hinarap, nagkaroon siya ng mas matibay na pananampalataya ngayong taon.

"Very thankful to God talaga. I think ngayong pandemic... masasabi ko naman na mayroon akong special relationship with God.

"But I think ngayong pandemic, mas naging close ako sa kanya.

Dugtong pa ni Arra, "Talagang nag-focus ako sa kanya kasi ang dami mong na-realize sa situation ngayon ng mundo.

"Ang dami mong naisip. Ang dami mong na-explore sa sarili mo. Lahat ng emosyon, naramdaman mo na ngayong may pandemic."

Ayon sa actress/ host, malaki ang pasasalamat niya sa paggabay na nakukuha niya sa taon na ito.

Bukod sa paggabay, alam umano ni Arra na hindi siya mag-iisa sa kahit ano mang pagsubok na kanyang haharapin.

"Sobrang mas na-appreciate ko si God kasi tinutulungan niya kasi ako kahit na anong mangyari.

"Alam mo 'yung tipong sa sobrang appreciate mo sa kanya 'yung tipong maiisip mo na favorite niya ba ako? Bakit hindi niya ako pinapabayaan, mga ganoong bagay."

Sa interview na ito, ibinahagi ni Arra na makatutulong ang pagtawag sa Diyos kapag may kinakaharap na pagsubok sa buhay o kaya naman ay kapag pinanghihinaan ng loob.

"Kung anxious ka, just turn to God. Cast all your fears and your anxieties to god and I swear it helps a lot."

Arra San Agustin admits to being workaholic

Arra San Agustin, nag-enroll sa isang baking course ngayong quarantine

Samantala, narito ang ilang celebrities na umaming nakaranas ng mental health struggles: