
Get ready for the truth bombs na pakakawalan ng global fashion icon na si Heart Evangelista nang tumugon siya sa subpoena ng Your Honor.
Matapos ang successful contract renewal niya sa Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, August 11 haharap naman siya kina Chariz Solomon at Buboy Villar sa pagdinig nila ng House of Honorables.
Sa episode teaser ng Your Honor, ikinuwento ni Heart kina Madam Cha at Vice Chair Buboy na handa siya gawin ang lahat para sa kaibigan noon kahit bayaran ang milyon nilang utang.
Pagbabalik-tanaw ng The People Have Spoken host, “Sometimes, the ultimate high of success doon mo mararamdaman kung sino talaga ang mga kaibigan mo. May mga kaibigan ako na ginagawa akong anak, ganyan. Pati yung mga utang nila na mga two million babayaran ko.
"Oo! Dumating ako sa point na ganun, pero for me at that time those aren't red flags. That's what family is about.”
Source: Your Honor
Inusisa rin ni Madam Cha ang mga red flag experience niya noon sa mga inaakala niyang kaibigan. Tanong ng Kapuso comedienne: “Nagkaroon ka ba ng friends na aware ka na plastic sila sa'yo?”
Tumugon ng 'oo' agad si Heart at sabay paliwanag niya, “If you want to say things about me, hanapan mo ako ng dumi, ilagay kita sa microscope mas madami mahahanap sa'yo na bacteria. Flesh-eating bacteria!”
Tutukan ang session ng Your Honor na pimagatang "In Aid of Red Flag Friends: Ang POV ni Heart" ngayong August 15 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.
RELATED CONTENT: Heart Evangelista: From teen idol to fashion superstar