GMA Logo Hearts On Ice
What's on TV

Hearts On Ice: Ang unang hakbang ni Ponggay sa mundo ng figure skating

By Aimee Anoc
Published March 16, 2023 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts On Ice


Abangan ang unang pagkikita nina Ponggay at Enzo ngayong Huwebes sa 'Hearts On Ice.'

Ngayong Huwebes, March 16, simula na ng pag-abot ni Ponggay (Arhia Faye Agas) sa pangarap na maging isang figure skater tulad ng ina niyang si Libay (Amy Austria), na isa sa mahuhusay na figure skaters noon ng bansa.

Sa pilot episode ng Hearts On Ice noong March 13, napanood kung paanong nadiskubre ni Ponggay ang sports na figure skating. Unang hakbang pa lamang niya sa ice rink, nabuhay na rin ang pangarap niyang maging isang figure skater.

Sa kabila ng pagkakaroon ng leg impairment, mas tumindi ang pag-aasam ni Ponggay na makilala sa mundo ng figure skating para na rin sa naudlot na pangarap ng ina noon na maging isang kampeon.

Napag-alaman na si Libay (Elle Villanueva) ang napili noong lumaban para sa bansa sa magaganap na World Figure Skating Championships. Pero gumawa ng paraan ang matalik nitong kaibigan na si Yvanna (Lianne Valentin) para matanggal si Libay sa skating community at siya ang maging kinatawan ng bansa para sa Winter Olympics.

Matapos na magpositibo sa doping at maipaglaban na si Yvanna ang gumawa nito, nabigyan ng pagkakataon si Libay na muling patunayan ang sarili sa skating community. Pero tuluyang naglaho ang pangarap nito nang malamang nagdadalang-tao siya.

Hindi man siya suportado ng ina para sa pagnanais na maging isa ring figure skater, ipinangako ni Ponggay sa sarili na ipagpapatuloy niya ang pangarap ng ina.

Abangan ngayong Huwebes ang unang training ni Ponggay sa figure skating at ang bagong kaibigang makilala niya sa ice rink.

Subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: