GMA Logo Hearts On Ice
What's on TV

'Hearts On Ice' full trailer, napuno ng papuri mula sa netizens

By Aimee Anoc
Published March 6, 2023 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts On Ice


Abangan ang world premiere ng 'Hearts On Ice' ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Ramdan na ramdam na ang excitement ng lahat na mapanood ang kauna-unahang figure skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice, na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

Inilabas na noong Linggo, March 5, ng GMA Network ang full trailer ng Hearts On Ice, na agad na pinag-usapan online.

Maraming netizens ang nasabik at humanga sa kalidad at ganda ng kuwento ng bagong sports drama series ng GMA, na tatalakay sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro na maging isang matagumpay na figure skater.

Umani ng iba't ibang papuri mula sa netizens ang 11-minute na trailer na ito ng Hearts On Ice tulad na lamang ng "ganda panoorin," "new concept na naman po ito," "next na maghi-hit," at "another sports drama masterpiece for GMA."

Comments

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice, dito:

Bukod sa full trailer, inilabas na rin ang original soundtrack ng Hearts On Ice, ang "Tagumpay" na inawit ni Kapuso OST Princess Hannah Precillas.

Panoorin ang music video ng Hearts On Ice, dito:

Ilan pa sa cast ng Hearts On Ice ay ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Ang Hearts On Ice ay mula sa direksyon ni Direk Dominic Zapata, na siya ring direktor ng hit series na Bolera at First Yaya.

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: