
Ngayong March 13, mapapanood na ang unang tambalan nina Ashley Ortega at Xian Lim para sa inaabangang figure skating drama series ng GMA na Hearts On Ice.
Sa naganap na media conference ng Hearts On Ice noong March 3, agad na kinakiligan at nakitaan ng magandang chemistry ng entertainment media sina Ashley at Xian, sa ipinasilip na 11-minute trailer ng serye.
Sa Hearts On Ice, gaganap si Ashley bilang Ponggay. Kahit na may kapansanan ay susubukin niyang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.
Makikilala naman si Xian bilang Enzo, cold-hearted at may pagka-arogante. Mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli dahil kay Ponggay.
Makakasama rin nina Ashley at Xian sa serye ang beterano at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: