GMA Logo Hearts On Ice
What's on TV

'Hearts On Ice,' naglabas ng behind the scenes mula sa set nito

By Aimee Anoc
Published February 17, 2023 12:06 PM PHT
Updated April 22, 2023 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Hearts On Ice


Silipin ang mga nangyayari behind the scenes sa set ng kauna-unahang ice skating drama series ng bansa, ang 'Hearts On Ice.'

Simula Marso, mapapanood na ang Philippines' first-ever ice skating drama series na Hearts On Ice.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood din ang tambalang Ashley Ortega at Xian Lim, na isa sa dapat na abangan sa serye.

Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang figure skating, kapwa sumabak sa ilang buwang training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter.

Noong Huwebes, February 16, ipinakita ng Hearts On Ice ang ilan sa mga nangyayari behind the scenes sa set nito.

Behind the scenes pa lamang ay maraming netizens na ang nakapansin sa "magandang concept" ng serye at "kinilig" sa kakaibang chemistry nina Ashley at Xian.

Ilan pa sa cast na kukumpleto sa serye ay ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Kasama sina Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, Shuvee Etrata, at Skye Chua.

Huwag palampasin ang bagong sports drama series na Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG ICE SKATING JOURNEY NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: