
Nakuha ng Hearts On Ice ang pinakamataas nitong ratings kahapon (May 17) na pumalo sa 10.0 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa mataas na ratings, nag-trend din sa Twitter Philippines ang pangalan ni "Ponggay," kung saan pinag-usapan ng manonood ang ginawang pagligtas nina Ponggay at Enzo kay Monique, maging ang tapatan nina Libay at Yvanna, Gerald at Ruben. Marami rin ang nabitin sa "first kiss" sana nina Ponggay at Enzo.
Muntik na magkiss sina Ponggay at Enzo bitin naman#HOISavingMonique pic.twitter.com/JDTEezwXux
-- AshleyNaticsPangasinan | #HeartsOnIce (@AshleyNaticsPa3) May 17, 2023
I know this scene absolutely ang heavy ng emotions. Just that I can't help it.
-- Merlyn GB (@merl_gb) May 17, 2023
They look like Baifren Pimchanok and Mario Maurer version ng Pinas. Crazy thing called love.
Ang ganda ng shot.
Mapapa smile ka nlng.@gmanetwork#HOISavingMonique pic.twitter.com/VDjJzM3t2O
#HOISavingMonique@XianLimm @GMADrama
-- Tropang Kim Uy OFCL Updated (@CuddlesJackie) May 17, 2023
Good idea Enzo. Monique needs an ear to listen to her problems. pic.twitter.com/BA9y66SxOg
Grabe yung titig ni Xian Lim, nakakakilig. #HOISavingMonique pic.twitter.com/8GMHGh9q6r
-- Empress K (@EmpressKxxx) May 17, 2023
Sa episode 46 ng Hearts On Ice, napanood ang pagsagip nina Ponggay (Ashley Ortega) at Enzo (Xian Lim) kay Monique (Roxie Smith) nang tangkain nitong tapusin na ang kanyang buhay.
Nagpatuloy rin ang tapatan nina Libay (Amy Austria) at Yvanna (Rita Avila) nang magpunta ang huli sa pinagtatrabahuan ng una at namigay ng pera sa mga tao kapalit ng paglayo nila kay Libay.
Hindi naman naiwasang magkaroon ng tensyon sa pagitan nina Ruben (Lito Pimentel) at Gerald (Tonton Gutierrez) nang malaman ng una na ang pinaka-boss pala ng proyektong pinagtatrabahuan sa construction site ay si Gerald. Dahil sa nangyari ay nagtanggal si Ruben sa trabaho.
Samantala, matapos ang nangyari kay Monique ay inihatid mismo ni Enzo si Ponggay sa bahay nito. Kung hindi lamang dumating ang ninang ni Ponggay na si Janice (Antonette Garcia) ay matutuloy na ang inaabangan "first kiss" nina Ponggay at Enzo.
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG FIGURE SKATING EXHIBITION NINA ASHLEY ORTEGA AT SKYE CHUA SA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE DITO: