
Patuloy na umaani ng iba't ibang nakatutuwang reaksyon mula sa netizens ang Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice simula nang umere ito noong Lunes, March 13.
Tulad na lamang ng batang netizen na si Aurea na tila isang figure skater habang ginagaya ang naging imahinasyon ng batang Ponggay (Arhia Faye Agas) noong una siyang makatapak sa ice rink, na napanood sa pilot episode ng Hearts On Ice.
Hindi naman napigilang humanga ni Jezreel Ely sa mga shots at ilang scenes ni Amy Austria na gumaganap bilang Libay, ina ni Ponggay (Ashley Ortega) sa serye. Puno rin siya ng papuri sa mahusay na pagganap ni Arhia Faye bilang young Ponggay sa Hearts On Ice.
"Ang ganda, ang ganda naman kasi talaga. First scene pa lang, 'yung preview nung performance ni Ashley Ortega bilang Ponggay, aabangan natin kung mape-perform n'ya ba nang maayos... basta 'yung umiikot-ikot sa ere.
"Okay ang casting, 'yung mga talents marunong umarte lahat lalo na 'yung nakalaban ni Libay, 'yung nanay na 'yun. Pero for this [pilot] episode... Amy Austria, ang galing promise. Lalo na 'yung end scene, 'yung sinuot mo na 'yung skating shoes tapos sumigaw ka ng Ponggay," nakatutuwang reaksyon ni Jezreel.
@jezreelely Replying to @🤢🤢🤢🤢 my live reaction sa hearts on ice world premiere ang ganda hanep! #heartsonice #heartsoniceworldpremiere #amyaustria #ashleyortega #kapusoseryereview #kapuso #gmanetwork #jezreelely #whatsupmgakamaganak @GMA Network ♬ original sound - Jezreel Ely
@jezreelely Hearts on Ice World Premiere napakaganda! no joke! grabe! #heartsonice #heartsoniceworldpremiere #amyaustria #ashleyortega #kapusoseryereview #kapuso #gmanetwork #jezreelely #whatsupmgakamaganak @GMA Network ♬ original sound - Jezreel Ely
Tuwang-tuwa rin si @JUB Art sa ilang palaban na scenes ni Amy Austria tulad ng milk tea at skating scene.
@jubart8 Karma flavored Milk Tea pa nga 😂😂😂 #HeartsOnIceWorldPremiere ♬ original sound - JUB Art
Maganda rin ang naging reaksyon ni @Anarina TV, na aniya, paulit-ulit siyang napangiti ng Hearts On Ice.
@anarinatv Mala-Disney #heartsonice #ashleyortega #xianlim #amyaustria #kapusoseryereview #anarinatv #entertainmentph #iceskating @GMA Network ♬ original sound - Anarina TV
Pinagbibidahan ang Hearts On Ice nina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: