
Ibinahagi ni Heath Jornales ang kaniyang paraan ng pagpapahayag ng sarili at ng kaniyang damdamin tuwing may nagugustuhan siya.
Inamin niya ito sa eksklusibong panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda, kasama ang kaniyang amang si Michael Roy Jornales, nitong Lunes, August 24.
Ayon kay Michael, isa sa mga napapansin niyang senyales kapag may crush ang anak, ang pagba-blush nito.
“Nakita ko po ito sa loob ng Bahay ni Kuya, kasi na-notice din ng lahat ng housemates, tinuro nila [si Heath, tapos sinabi nila na,] 'Uy namumula 'yung tenga ni Heath.',” pagbabahagi ni Roy.
Dahil dito, agad naman tinanong ng King of Talk na si Tito Boy Abunda si Heath patungkol sa kaniyang love language o ang sariling pamamaraan para ipakita ang sarili sa kaniyang nagugustuhan.
Lakas-loob na sumagot ang young Kapuso actor: “I guess, magbigay ng gifts or mag-play po ng guitar around them.”
Agad naman itong tinanong ni Boy kung kailan ang huling beses na ginawa niya ito.
Inamin ng binatang aktor na ang kaniyang co-star at leading lady sa seryeng You're My Favorite Song, ang PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Big Winner na si Caprice Cayetano, ang huli niyang niregaluhan sa pagtatapos ng kanilang shooting.
“I guess, 'yung huli na nagbigay ako ng gift, kay Caprice noong sa set [ng You're My Favorite Song]. Nagbigay po ako ng maliit na toy car na gift po. I think it was the last day on set, sa taping. Nangharana rin po ako sa lahat sa set no'n, since it was the last day. Tapos medyo nakakalungkot po 'yung time na 'yon pero masaya naman,” kuwento ni Heath.
Huling nagkasama sina Heath at Caprice sa GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song bilang sina Miguel at Angel, na mas kilala sa kanilang tambalang 'AnGuel.'
Ang naturang serye ang kauna-unahang proyekto ng dalawa matapos ang kanilang tagumpay sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan hinirang si Heath bilang Kapuso 2nd Big Placer at si Caprice naman ang naging Big Winner.
Related Gallery: Caprice Cayetano, Heath Jornales, and the rise of CapEath