GMA Logo Heath jornales
What's on TV

Heath Jornales, mapapanood na ngayong gabi sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published August 12, 2026 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Uy's Converge sees role in Pax Silica project
Endangered turtle spotted laying eggs in Davao Occidental
Reality check: the cost of childbirth in PH today

Article Inside Page


Showbiz News

Heath jornales


Mapapanood na si Heath Jornales ngayong gabi sa 'Taskforce Firewall.'

Hindi na kailangang maghintay pa dahil mapapanood na ngayong gabi, August 12, si Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Second Big Placer Heath Jornales sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Gaganap siya rito bilang Gilbert, isang gamer na napasakamay ng scam hub.

Dahil napabalitang nakatas ito mula sa sindikato, siya ang magiging malakas na lead ng Firewall team para matukoy ang location ng scam hub at ma-rescue ang kapatid ni Galo (Miguel Tanfelix) na si Sunshine (Shayne Sava).

Isang exciting action scene din ang dapat abangan mula kay Heath sa episode ngayong gabi.


Recurring ang character ni Heath at daldalhin niya sa serye ang pananaw at karanasan ng henerasyon ng kabataan na lumaki kasama ang technology.




Abangan si Heath Jornales sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.