GMA Logo herlene budol
Source: herlene_budol (Instagram)
What's Hot

Herlene Budol, babalik pa ba sa pageantry?

By Jimboy Napoles
Published July 24, 2024 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Handa na bang muling rumampa sa pageant stage ang actress-host na si Herlene Budol?

“Siguro sa tamang panahon.”

Ito ang naging sagot ng actress-host na si Herlene Budol nang tanungin siya ng GMANetwork.com kamakailan, kung may plano pa ba siyang sumali muli sa mga beauty pageant.

Matatandaan na nanalong 1st runner-up si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022. Naging kinatawan din siya ng bansa sa Miss Planet International 2022 pero nag-withdraw ito dahil sa hindi magandang experience nila ng kaniyang mga kapwa kandidata.

Bumuhos naman ang suporta kay Herlene nang sumali ito sa Miss Grand Philippines 2023 pero bigo itong masungkit ang korona.

Kuwento ni Herlene naghihintay lamang siya ng tamang panahon upang muling sumubak sa pageantry.

Aniya, “Siguro sa tamang panahon, antayin lang natin 'yung right time na Herlene na mas malakas, mas pasabog at mas rawr, di ba? Kasi no'ng Miss Grand kasi talagang sumemplang tayo.

“Pero nobody is perfect naman. Hanggang ngayon e, iniisip ko kung paano ko mai-improve 'yung sarili ko at kung paano ko pa mai-inspire 'yung ibang tao na mas hindi sumuko sa buhay, mas lumaban ng patas, at mas lumaban talaga ng may confidence na talagang boom.”

May mensahe rin si Herlene sa mga basher na lagi raw nakaabang sa kaniyang mga ginagawa.

“'Yung mga basher diyan, maraming salamat sa inyo. I love you so much pero hindi na para patulan kasi siguro naging part din sila ng journey ko. So thank you so much,” ani Herlene.

Samantala, muling nag-viral si Herlene nang mapag-usapan ang kaniyang pagkakadapa sa stage nang rumampa siya sa katatapos lang na GMA Gala 2024.

Agad naman na naka-recover ang aktres sa nasabing aksidente at nagpasalamat din sa mga tumulong sa kaniya kabilang na ang Pulang Araw star na si Barbie Forteza.

Sa ngayon, napapanood si Herlene bilang isa sa hosts ng Kapuso daytime variety show na TiktoClock.

RELATED GALLERY: LOOK: Career highlights of Herlene Budol