GMA Logo Herlene Budol
Source: herlene_budol (Instagram)
What's Hot

Herlene Budol, may ikinuwento tungkol sa kaniyang pagkabata sa 'Tunay na Buhay': 'Nakikipagsuntukan po ako'

By Jimboy Napoles
Published November 4, 2021 7:34 PM PHT
Updated November 5, 2021 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Bata pa lang daw ay talagang matapang at palaban na si Herlene Budol aka "Hipon Girl," pati ang pakikipagpisikalan, kayang-kaya raw niyang gawin bagay na ikinuwento niya sa 'Tunay na Buhay.'

Matapos itampok sa real-life drama anthology series na #MPK o Magpakailanman ang talambuhay ni Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang "Hipon Girl," ibinahagi naman ngayon ni Herlene sa Tunay Na Buhay kasama ang host nito na si Pia Arcangel ang ilan pa sa mga mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay, gaya na lamang ng pagsali niya sa mga beauty contest at kung paano binago ng programang Wowowin ang estado ng pamumuhay ng kaniyang pamilya.

Suki raw noon ng beauty pageant si Herlene, pero madalas ay natatalo siya ng kaniyang mga kalaban pero hindi raw siya sumuko at patuloy na nakipagsabayan sa entablado hanggang sa may naiuwi rin siyang titulo gaya na lamang nang tanghalin siya bilang Binibining Angono, ang beauty contest sa kaniyang hometown na Angono, Rizal.

Ang kaniyang pagiging "beauconera" ang naging dahilan din daw upang bansagan siyang "Hipon Girl."

"Nanalo po akong Binibining Angono noon, yung ibang mga hindi makapaniwala na nanalo ako kasi unexpected po talaga. So hindi nila matanggap na 'yung alaga nila natalo. 'Bakit naman nanalo 'yan, ang chaka chaka naman, mas maganda si ganito...' Hipon kasi yung katawan ko talaga parang gutumin po talaga, petite ganyan," kwento ni Herlene.

Pero bago pa man tawaging "Hipon," may isa pa raw bansag kay Herlene ang mga nakakakilala sa kaniya. Hiwalay kasi ang biological parents ng young comedienne kaya lumaki lang siya sa pangangalaga ng kaniyang lolo at lola, kaya ang tawag sa kaniya noon ay "ampon."

Dahil dito, bata pa lang ay naging matapang at palaban na raw si Herlene. Umabot pa nga raw sa puntong nakikipagpisikalan din siya sa mga tumutukso sa kaniyang pamilya. Handa raw niyang ipagtanggol ang kaniyang pamilya kahit patayan pa.

"Nakikipagsuntukan po talaga ako lagi dati sa amin.... Suntukan po talaga, may gloves nga po 'yun eh. Kapag nga po inaasar yung lolo ko ng 'kalbo, kalbo!' ay nakikipagsuntukan talaga ako..kahit patayan pa po," ani Herlene.

Bagama't marami raw pagsubok ang dumaan sa buhay ni Herlene, nag-iwan naman daw ito ng mga aral na magagamit niya upang magpatuloy na abutin ang kaniyang mga pangarap at pangalagaan ang kaniyang magiging pamilya.

"Sa mga pinagdaanan ko po siguro, parang ayun din po yung nakapagpatatag sa akin hanggang ngayon. Hanggang sa pagtanda ko po siguro madadala ko na kapag nag-asawa 'ko hindi ko hihiwalayan para di maranasan ng anak ko yung naranasan ko," aniya.

Nag-iwan pa ng aral ng tunay na buhay si Herlene para sa mga taong nais ding maging matagumpay.

"Walang katapusang pag-aaral po ang kailangan natin sa araw-araw...still learning every day guys. Kahit matanda ka na, kailangan mo pa ring matuto," sabi ni Herlene.

Panoorin ang panayam na ito ni Herlene Budol sa Tunay na Buhay dito:

Samantala, mas kilalanin pa si Herlene Nicole Budol aka "Hipon Girl" sa gallery na ito: