
Isa si Herlene Budol sa celebrity guests na dumalo sa gala night ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme, na ginanap noong Linggo, November 26, sa Market! Market! Mall sa Taguig City.
Dumalo ang actress bilang suporta sa isa niyang leading man sa Magandang Dilag leading na si Rob Gomez, na bahagi ng "Rage" episode ng naturang pelikula na simulang ipalalabas sa mga sinehan ngayong November 29.
Sa maiksing panayam matapos ang pelikula, sabi ni Herlene, "Ang galing! Ang galing ng pagkakabuo ng istorya. Nakaka-proud bilang leading lady niya."
Bukod kay Herlene, dumalo rin ang isa pa nilang co-actor sa dating GMA Afternoon Prime series, si Angela Alarcon.
"Sobrang happy po kami kahit tapos na yung show namin," sabi ni Herlene.
Sa naunang panayam kay Rob, nabanggit niya na nais niyang panatilihin ang pagiging close niya sa dating co-stars niya.
"I hope so. I learned a lot from everyone. Lagi kaming nagkakayayaan pero hindi pa masyadong nagkakatugma ang schedule namin kasi everyone's busy now," sabi ng aktor.
Bukod sa Shake, Rattle & Roll Extreme, napapanood ngayon si Rob sa GMA Telebabad series na Lovers & Liars.