GMA Logo herlene budol
Source: herlene_budol/IG
What's Hot

Herlene Budol to release new single titled "Kain Tayo" in 2024

By Kristian Eric Javier
Published December 29, 2023 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Nagsimula na rin si Herlene Budol sa kanyang voice lessons. Tingnan dito:

Matapos ang successful GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag, susubukan naman ni Herlene Budol ang pagkanta. Sa katunayan, nagsimula na ang aktres sa kanyang voice lessons.

Sa Instagram, ipinakita ni Herlene ang picture niya habang tinuturuan siya ng tamang paghinga sa pagkanta. Sa caption ng post, pinasalamatan ang kaniyang dating manager na si Wilbert Tolentino para sa tulak sa kaniya gawin ito.

“Thank you Mima ko @sirwil75. Yung kht indi na cya Manager ko pero andyan parin [siya] thru thick & thin at pinupush nya ako mag voice lesson,” sabi niya.

Dagdag pa niya ay masaya siyang maging classmate sa voice lessons ang kaniyang dating manager na si Will, at ibinahagi kung gaano siya kasaya sa pagpasok sa music.

“Masaya pala ang Musika. Yung may assesment ng coach ko si @kimusikero ng Jazz, Pop, Ballad, Blues, Rock, Hip hop, Classical, Electro, New age, Reggae atbp.,” pagpapatuloy niya.

Biniro pa ni Herlene na maglalabas na siya ng bagong single, na may titulong "Kain Tayo," sa 2024.

BALIKAN ANG DARING PHOTOS NI HERLENE SA KANIYANG BIRTHDAY PHOTOSHOOT SA GALLERY NA ITO:

Bago ito, mapapanood muna si Herlene sa action-drama primetime series na Black Rider, kung saan gumaganap siya bilang si Pretty, isang babae na niloko at inaabuso ng kaniyang partner.

Samantala, July 31, 2023 nang magbitiw si Wilbert bilang manager ng beauty queen-turned-actress para bigyan ng pansin ang kaniyang kalusugan at oras ang kaniyang anak.

Dagdag pa ni Wilbert ay mahirap at matagal niyang pinag-isipan ang desisyon ngunit kinailangan niyang gawin.

“Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene,” sabi niya.

Dagdag pa ni Wilbert, “Sa maikling panahon ng pag-aalaga ko [sa] kanya, marami na [rin] kaming na-achieve, hindi lang sa buhay nya kung di sa karera niya bilang Beauty Queen.”

Tingnan ang post ni Herlene dito:

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)