
Masaya ang Magandang Dilag star na si Herlene Budol sa suporta at magandang reaksyon na natanggap niya nang mag-guest siya action-drama series na Black Rider.
“Ang saya po ng pagtanggap po sa akin din ng Black Rider at saka ng mga taong sumuporta po sa akin para mag-guest po ako dito sa Black Rider,” pagbabahagi ni Herlene sa interview niya kay Aubrey Carampel sa "Chika Minute" para sa 24 Oras.
Ibinahagi rin ng beauty queen-turned-actress na binati siya ng congratulations sa magandang ratings ng episode kung saan siya lumabas “kahit guest lang po ako.”
Inamin din ni Herlene na kahit first time lang niyang nakatrabaho ang bida ng serye na si Ruru Madrid ay na-amaze pa rin siya sa aktor.
“Sobrang nakaka-amaze siya, sobrang bait niya po, approachable, tapos gwapo,” pagbabahagi ni Herlene.
Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga manonood sa emosyonal na eksena ni Herlene at pinalakpakan pa ng mga manonood habang nagte-taping. Bukod pa rito, marami ring naka-relate sa sitwasyon ng karakter ni Herlene na si Pretty na niloloko at ina-abuso.
Nang tanungin siya kung ano ang dapat gawin ng mga babae na nasa parehong sitwasyon, ang sagot ni Herlene, “Umalis na po dapat sila sa sitwasyon na 'yun.”
“Dapat mas mahalin muna nila 'yung sarili nila bago sila magmahal ng ibang tao kasi ganun na po ako ngayon,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG DARING BIRTHDAY PHOTOSHOOT NI HERLENE SA GALLERY NA ITO:
Sa parehong interview, sinabi ni Ruru Madrid na iyon naman talaga ang gusto nila sa serye, ang maka-relate ang mga manonood. Dito, pinuri rin niya ang pagganap ni Herlene sa kaniyang role.
“Kitang-kita naman po natin na nabigyan po ng hustisya ni Herlene Budol itong kaniyang role na si Pretty,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “Of course, we're very much grateful to Herlene, napaka-husay niyang umarte. Siyempre 'yung transition niya from host, from being a dancer, and then ngayon talagang legit actress na siya, napakahusay.”
Inamin din ng Kapuso Action-Drama Prince na nakakataba ng kanilang puso ang mga magagandang komento na natatanggap nila at sinabing dito nila nalaman na “nagbubunga na lahat ng mga hardwork namin, lahat ng mga puyat, pagod, and all that.”
“Parang for us, lalo kaming na-i-inspire to work harde at makagawa po ng mga magagandang eksena para po sa mga manonood,” sabi niya.
Panoorin ang buong interview nina Herlene at Ruru dito: