GMA Logo Wilbert Tolentino and Herlene Budol
PHOTO SOURCE: Wilbert Tolentino (Facebook)
Celebrity Life

Herlene Budol to Wilbert Tolentino: 'Utang na loob ko lahat ng mayroon ako, I love you'

By Maine Aquino
Published July 29, 2023 1:05 PM PHT
Updated August 1, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Wilbert Tolentino and Herlene Budol


Ano ang mensahe ni Herlene Budol sa pagbibitiw ni Wilbert Tolentino bilang kaniyang talent manager?

Nagsalita na si Herlene Budol tungkol sa pagbitiw ng kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Noong Lunes, July 24, nag-post ng statement si Wilbert tungkol sa kaniyang desisyon na pagbitiw bilang talent manager sa Magandang Dilag star at Binibining Pilipinas 2022 First Runner-up na si Herlene.

PHOTO SOURCE: Facebook: Wilbert Tolentino

Ayon kay Wilbert, “Kailangan ko [nang] pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan.”

Parte pa ng post ni Wilbert ay ang kaniyang dahilan sa pagbibitiw bilang talent manager, “Mahirap man gawin, halos matagal ko [rin] pinagisipan. Subalit kailangan ko [nang] pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak.”

Sa vlog na "Bakit moko iniwan sir wilbert?" nagsalita na si Herlene sa naging desisyon ni Wilbert.

RELATED CONTENT: Career highlights of Herlene Budol

Ayon kay Herlene, nag-usap sila ni Wilbert at sinabi nito sa kaniya na lagi pa rin siyang handang tumulong sa kaniya.

"Base pa rin po sa pag-uusap namin, willing pa rin niya akong tulungan at nandiyan pa rin naman po siya anytime, anywhere, one call away."

Bukod sa kanilang naging pag-uusap ay ibinahagi rin ni Herlene ang kaniyang pasasalamat sa dating talent manager.

Ani Herlene, "Ito na po ang chance para magpasalamat ako sa inyo. I love you so much, mima. Kulang ang salitang salamat sa lahat ng effort, oras, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin."

Dugtong pa ni Herlene, "Walang hanggan na pasasalamat at walang hanggan na pagmamahal ang kaya kong ibalik."

Sa huli ay inihayag niya ang pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa tulong ni Wilbert sa kaniyang journey sa mundo ng showbiz at pageant.

"Utang na loob ko lahat ng mayroon ako. I love you. I love you. Never say goodbye."

Nag-iwan naman ng comment si Wilbert sa vlog na ipinost ni Herlene.

Ani Wilbert, "Achievement mo, Achievement ko rin Mima. Sa dalawang sabak natin sa National Pageant ay wagi. Binibining Pilipinas 2022 1st runner up, Sa Miss Grand Philippines naman nakuha mo yung 3rd Crown Miss Tourism Philippines 2023. Not bad at all. At take note 11.3 ratings mo sa Magandang Dilag at marami pa upcoming project naka line up sayo. May 3 years at may 2 years contract na close ko."

Nagbilin rin si Wilbert kay Herlene at sinabing maaari pa rin siyang lumapit sa kaniya sakaling kailangan ang kaniyang tulong.

"Basta always stay humble & kind. inalis ko lang titolo ko bilang Manager mo, pero mananatili akong Mima mo. basta kung meron kang kontrata na indi mo naiintindihan or need mo mga advices punta ka lang sa balur ko. i will always be ur protector & guardian angel."

PHOTO SOURCE: YouTube

Mapapanood si Herlene sa Magandang Dilag sa GMA Afternoon Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.