GMA Logo magandang dilag cast in kapuso stream
What's on TV

Herlene Budol, humagulgol sa livestream ng premiere ng 'Magandang Dilag'

By Jansen Ramos
Published June 27, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

magandang dilag cast in kapuso stream


Caught on cam ang paghagulgol ni 'Magandang Dilag' lead star Herlene Budol nang pumasok sa Kapuso Stream noong Lunes, June 26. Bakit kaya?

Naiyak sa tuwa si Herlene Budol matapos manalo ng special award sa beauty tour event ng Miss Grand Philippines 2023 kahapon, June 26.

Caught on cam ang paghagulgol ni Herlene nang pumasok sa Kapuso Stream, kung saan ipinapalabas online kasabay ng pag-ere TV ang mga panghapong programa ng GMA kabilang na ang serye niyang Magandang Dilag, noong Lunes kung kailan premiere ng bago niyang TV project.

Nasaktuhan ni Herlene ang livestream pagkatapos na pagkatapos niyang manalo bilang Miss Ever Bilena sa pre-event ng Miss Grand Philippines 2023 kaya mataas pa ang kanyang emosyon.

Niyakap naman siya ng kanyang pageant mentor na si Rodgil Flores habang umiiyak.

"Sobrang saya ko," ani Herlene habang lumuluha sa tuwa.

"Sa lahat ng sumuporta sa 'kin, salamat. Sa may ayaw sa 'kin, salamat ah.

"Panoorin n'yo pa rin ako, i-judge n'yo rin po 'yung palabas ko para pandagdag sa ratings," dugtong pa ni Herlene na nakuha pang magbiro habang humahagulgol.

Patuloy pa niya, "Sa sumusuporta po sa 'kin, babawi po ako. 'Di ko po kayo bibiguin, gagalingan ko pa po palagi. Sobrang saya ko. Lord, thank you so much."

Pinasalamatan din niya ang kanyang Magandang Dilag co-stars na kasama niya sa livestream na sina Rob Gomez, Bianca Manalo, at Muriel Lomadilla, at sa lahat ng bumubuo nito.

"Thank you sa mga artista na ginabayan ako. Sobrang 'di ko akalain lahat. Sobrang saya ko. 'Di ko maipaliwanag. Bawal magmura, naka-live ako," hirit ni Herlene.

"Yung puso ko sobra-sobrang tumatalon, tumatalbog. Sobrang happy ko, nanalo pa 'ko."

Nagpasalamat din siya sa GMA at sa mga taong sumusubaybay ng kanyang bagong show.

"Sobrang salamat sa lahat ng nanonood kahit 'di ko kayo nakikita ngayon.

"Salamat GMA sa pag-support at binigyan n'yo 'ko ng pagkakataon. Gagalingan ko pa po, promise po. Ang dami po nating commercial, oh.

"Ang saya-saya ko Lord. I love you, solid Ka. Hindi ko sasayangin lahat ng binibigay n'yo sa 'kin. Salamat.

"Mabuhay ang mga commercial!"

Mapapanood ang Magandang Dilag weekdays, 3:20 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ipinapalabas din ito sa Pinoy Hits, at Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa telebisyon.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng programa sa GMANetwork.com, GMA Network YouTube channel, at GMA Drama social media pages.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang Magandang Dilag overseas.

NARITO ANG HIGHLIGHTS NG CAREER NI HERLENE BUDOL: