GMA Logo Herlene Budol Tony Labrusca Kevin Dasom
What's Hot

Herlene Budol, Tony Labrusca, Kevin Dasom, atbp, naniniwala ba sa panliligaw?

By Kristian Eric Javier
Published February 10, 2025 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol Tony Labrusca Kevin Dasom


Alamin ang saloobin ng ilang Kapuso stars sa panliligaw ngayon nalalapit na Valentine's Day.

Ngayong papalapit na ang araw ng mga puso, ilang Kapuso stars--kabilang na ang Binibining Marikit stars na sina Herlene Budol, Tony Labrusca, at Kevin Dasom--ang nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon patungkol sa panliligaw o pagsisimula ng isang relasyon.

Sa panayam nila kay Nelson Canlas, na ipinalabas sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, February 9, sinabi ni Herlene na dapat ay magtanong muna kung maaari bang manligaw ang isang lalaki sa isang babae.

“Dapat magtanong ka, libre lang naman magtanong, e. At saka kita sasagutin, kapag malinaw na ang lahat,” sabi ng aktres.

Iyon din ang opinyon ni Kevin, na dapat pa rin magkaroon ng ligawan, dahil iyon umano ang “traditional way.”

Dagdag pa ng aktor, “It's more of you approach the parents of the woman when your relationship is starting to get serious and you would like to take it to the next level, I think that would be a requirement, in my opinion.”

Ngunit para naman sa isa pang leading man ni Herlene na si Tony, hindi na kailangan pang magpaalam para manligaw. Aniya, “If you have feelings, just say it. Do you have to ask permission to say how you feel?”

Sa kabilang banda, aminado naman si Pokwang na iba na ang henerasyon ngayon kaya naman willing siyang mag-adjust at tanggapin ang ginagawa ng bagong henerasyon.

TINGNAN ANG ILAN SA MGA VALENTINE'S DAY DATE IDEAS MULA SA ILANG CELEBRITY COUPLES SA GALLERY NA ITO:

Samantala, para kay Kapuso star Andrea Torres ay “no to pakiramdaman," lalo na at marami umanong lalaki ang nagpaparamdam lang, ngunit hindi pa naman handang makipagrelasyon.

“Maganda rin naman magpaalam para kalro. Kasi minsan parang ayaw mo naman mag-assume. Baka sweet lang siya, baka ganu'n lang talaga siya,” sabi ng aktres.

Ganito rin ang sinabi ni Asia's Multimedia Star Alden Richards, na kailangan klaro ang intensyon ng isang tao para maiwasan ma-misinterpret ng iba ang mga kilos ng isang tao. Paraan din umano ito para maka-iwas na may masaktan sa huli.

Pag-amin naman ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, fan siya ng labels kaya naman importante rin na malaman kung talagang boyfriend at girlfriend na ang isang couple.

Para kay Kapuso actor and singer Matt Lozano, “Manliligaw ka 'tapos pati 'yung parents nu'ng niliigawan mo liligawan mo rin."

Nang tanungin ni Nelso kung kanino siya nagpaalam lately, sagot ni Matt, "Wala nga, e. Single po ako, pwede niyo po ako i-date sa February 14.”

Panoorin ang buong panayam nila dito: