
Kitang-kita sa mukha ni Rocco Nacino ang saya nang mapag-usapan sa Game of the Gens (GOTG) nitong Linggo ng gabi ang kasal niya sa volleyball star na si Melissa Gohing.
Nangyari ang dream wedding nina Rocco at Melissa sa Pier 13 sa South Harbor, Manila noong January 21.
At ginanap ang private ceremony sa mismong naval warship na BRP Davao Del Sur LD602.
Ikinuwento ni Rocco kina Sef Cadayona at Andre Paras na ibang klase ang experience matapos siyang ikasal.
Wika niya, “Masaya pare! Ibang klase, everyday masarap gumising na kasama mo 'yung asawa mo.”
Isang trivia rin ang ibinahagi ni Andre sa Game of the Gens dahil isang kamag-anak ni Rocco Nacino ang dati niyang classmate noon sa kindergarten.
Sino kaya ito?
Balikan ang naging guesting nina Rocco at kanyang Mommy Linda sa GOTG sa video above o panoordin DITO.
Heto pa ang ilang trending moments sa kuwelang game show nina Sef Cadayona at Andre Paras.
Martin del Rosario, may pinaghahandaang MALAKING bagay para sa mga Kapuso!
Kung G na G pa rin kayo sa kulitan at amazing trivia, muling tumutok sa episode next week ng bago ninyong Sunday night habit na Game of the Gens sa GTV sa oras na 7:45 PM.
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Pilot episode ng 'Game of the Gens', pinusuan ng mga netizen!
HIGHLIGHTS: Barbie Forteza's dad Antonio on Andre Paras: "Sinayang niya, e"
HIGHLIGHTS: Gen Dolls member Mariko, tuwang tuwa nang makita ang idol niyang si Sheryl Cruz