Showbiz News

Secret Affair: Susundin na ba ang kanilang mga puso? | Weekly Recap

By Kristine Kang

Ngayong bumalik na si Santi sa buhay ni Helen, muling tumugtog ang musika ng kanilang mga puso.

Gayunpaman, ayaw pa ring pakinggan ni Helen ito dahil batid niya ang imoralidad at kaguluhan na maidudulot nito sa relasyon nilang mag-asawa.

Dahil dito, nagdesisyon si Santi na dumistansya muna sa kanya at bumalik na lamang sa dati niyang tirahan.

Samantala, nakita ni Helen ang relasyon nina Santi at ang kaniyang girlfriend na si Daphne. Ngayon at umaapaw na ang emosyon niya para kay Santi, hindi napigilan ni Helen magselos at ikumpara ang kaniyang sarili sa dalaga.

Nalilito na ang puso ni Helen at naisipan niyang bumisita sa bahay ni Santi para lang makita ulit siya.

Courtesy: Secret Affair and GMA

Sa kanilang pagkikita ay hindi na rin mapigilan ni Santi ang kaniyang damdamin kaya't nagtapat ulit siya kay Helen, ngunit pinagtawanan lamang nito ang binatilyo.

Para maparamdam kay Helen ang kaniyang damdamin, tinugtog ni Santi ang kaniyang musika para sa kaniya.

Nang napakinggan ni Helen ito, humanga at natuwa ang kaniyang puso kay Santi. Dahil sa labis na emosyon na nararamdaman niya, inaya ni Helen si Santi ng isang yakap.

Hindi na mapigilan ang kaniyang pagtibok ng puso, yinakap ni Santi si Helen ng mahigpit, tila bang ayaw niyang bitawan ang kaniyang minamahal.

Patuloy nagyakapan ang dalawa ngunit nakita sila ni Hector sa labas ng pintuan. Pero kaysa sugurin niya si Santi, mas pinili niyang umalis nang tahimik na may galit sa kaniyang puso.

Pagkatapos ng gabing iyon, unti-unting pinakinggan ni Helen ang kaniyang damdamin para kay Santi. Ngunit kasabay nito, mas lumakas ang pagdududa ni Hector sa relasyon ni Helen at ng binatilyo.

Habang hinaharap ni Helen ang kaniyang damdamin kay Santi, biglang sumabay ang pag-abuso at pananakit galing kay Aiko sa trabaho.

Courtesy: Secret Affair and GMA

Ngayon at nasaktan si Helen sa pangyayari, naghanap siya ng taong puwedeng malapitan at makasama muna para makalimutan ang kaniyang inis at galit.

Pero kaysa lumapit siya sa kaniyang asawa na si Hector, mas pinili niyang puntahan si Santi.

Ano kaya ang gagawin ni Hector sa relasyon ng kaniyang asawa at estudyante?

Tuloy nga bang pakikingan na nina Helen at Santi ang kanilang mga puso?

Abangan ang kapana-panabik pang mga eksena sa Secret Affair, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.