Showbiz News

Michael V., magti-TikTok na lang kapag hindi nasunod ang panawagan?

Isang seryosong panawagan ang ipinahayag ni Michael V. sa Instagram tungkol sa pag-iingat sa panahon ng COVID-19 crisis.

Michael V.

Nag-post siya ng isang video sa photo and video-sharing site kung saan sinasambit niya ang tulang kanyang ginawa base sa sitwasyon ng bansa ngayon, kaugnay ng pandemya.

Feel free to share. ✌🏼

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) on

"Mga kababayan, ngayong panahon ng krisis, iwasan ang mambwisit, 'wag na kayong mambwisit," panimula ni Bitoy.

"Sa paglaki, itinuro ang kabutihang-asal, ang magmahal sa bayan, at sa Diyos ay magdasal.

"Pero balewala ang dasal kung puro ka putak sa sitwasyong kailangang gamitan ng utak."

Patuloy pa ng komedyante, "Pampublikong taga-paglingkod pero makasarili, pinagduduhan ka na nga, nakuha mo pang mag-grocery.

"May iba namang sigurong ginagawa rin 'yan, 'yung mga liko ang pag-iisip o 'yung walang pinag-aralan.

"Isa ka ba sa mga 'yon? 'Di ba hindi naman?

"Pero hindi ka nag-ingat, ikaw ngayon ang tinututukan."

Ani pa niya, marapating manatili sa bahay para maiwasan ang paglaganap ng virus.

"Kung gusto n'yong makatulong, d'yan na lang kayo sa bahay n'yo. 'Wag nang magsinungaling at 'wag nang matigas ang ulo.

"Kung alam n'yo na ang kuwento, dapat matuto rin kayo."

Diin pa niya, "Bayani lang ang mga frontliner, hindi sila superhero."

Sa huli, humingi ng paumanhin si Michael V. sa mga salitang kanyang binitawan. Gayunpaman, ipinaliwanag niya na ito ang kanyang paraan para ipaalala sa madla na mag-ingat at kung hindi man daw ito, magti-TikTok na lang daw siya, biro niya.

"Pasensya na kayo sa matatalim na salita, alam kong wala rin naman akong magagawa," aniya.

"Katulad ng iba, ito lang naman ang kaya ko at kung hindi ito, e 'di sige, magti-TikTok na lang ako."