Showbiz News

WATCH: Janine Gutierrez vlogs 'Rayver Can't Say No Challenge'

By Maine Aquino

Game na game si Rayver Cruz sa inihandang challenge ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez.

Sa latest vlog ni Janine sa kanyang YouTube channel, ginawa nila ang ''Rayver Can't Say No Challenge."

Iba't ibang klaseng challenge ang inihanda ni Janine, ilan sa mga ito ay paliguan ang kanyang pet dog, ipagluto siya ng dumplings, ipagbukas siya ng butong pakwan at iba pa.

May isang challenge na ikinatakot ni Rayver at ito ay ang pagbura ng Mobile Legends app sa kanyang phone.

Sundin kaya ito ni Rayver? Panoorin sa video na ito.