Showbiz News

Netizen, iginuhit ang iba't ibang karakter sa TV ni Michael V.

By Aaron Brennt Eusebio

Ibinahagi ng isang college student ang kanyang obra kung saan iginuhit niya ang “iba't ibang mukha” ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.

Ayon kay Lester Francisco, isang Civil Engineering student sa Technological Institute of the Philippines, iginuhit niya si Bitoy upang magbigay lakas sa kanyang idolo na nagpapagaling mula sa COVID-19.

Patuloy nang nagpapagaling si Michael V mula sa COVID-19. Source: michaelbitoy (FB)

"I am hoping that this artwork could lessen the burden that he is carrying and remind him that he can go through it, as he also showcased how strong and determined he is for playing whatever role or character is given to him," pahayag ni Lester sa GMA News.

Iginuhit ng isang college student ang iba't ibang mukha ni Michael V upang palakasin ang loob ng komedyanteng patuloy na nagpapagaling sa COVID-19. / Source: lestodit (IG)

Ilan sa mga tumatak na papel na ginagampanan ni Bitoy sa Bubble Gang ay sina Rosalinda “Yaya” Lucero, Tatalino, Mr. Assimo, at Yna, ang nanay ng masungit na si Selphie.

Michael V. shares update on his health after being diagnosed with COVID-19